06: Valatuna

1.8K 49 3
                                    

( sa Training Camp)


Puspusan ang pag eensayo ng buong basketball team na kinabibilangan ni Briston. 


Jogging, push ups, ball handling, team practice, ito ang ilan sa mga activities na ginagawa nila Briston para sa paghahanda para sa nalalapit na school league.

Napagpasyahan ng coach ng basketball team na sila ay magpraktis sa owned resort facility ng school na napapalibutan ng mga puno at para makapag focus ng maigi ang lahat ng miyembro ng team.

(loud whistle)

"okay team! that's all for today, bukas magsasagawa tayo ng mini game para sukatin ang endurance ng bawat isa okay? pero ngayon (sabay labas ng isang cooler na punong puno ng malamig na softdrinks) party party naman!" saad ng coach na ikinatuwa naman ng buong team at nagsikanya-kanyang kuha na sila ng maiinom.

"grabe, kapagod! pangatlong araw palang natin dito pero pakiramdam ko isang buwan na tayong nag eensayo" saad ng lalake kay Briston sabay abot ng malamig na softdrinks.

"salamat (sabay kuha at lagok sa softdrinks), pakiramdam ko nga eh parang napakabagal ng araw, gusto ko ng umuwi" tugon ni Briston sabay lagok muli sa malamig na softdrink.

"siguro namimiss mo ng mag sight seeing ng mga seksing chikababes noh, ganyan din pakiramdam ko, kung hindi itong mga ka-team mates natin ang nakapalibot satin eh puro mga puno naman" tugon muli ng lalake.

"di naman sa ganun pre, syempre kabilang na yun pero nakakamiss din yung eskwelahan natin, tsaka namimiss ko ng mahiga sa malambot kong higaan" tugon ni Briston at bigla nalang siyang napatingin sa kabilugan ng buwan.

"sinabi mo pa pre, di bale, tatlong araw nalang naman eh, tiyaga tiyaga nalang, buti nalang may pagka kwela si coach kahit wala ng ginawa kundi magsisigaw buong araw" tugon ng lalake.

Di naman nakatugon si Briston at tila may kakaiba siyang nararamdaman na agad namang napansin ng kasamahan niya.

"Briston? okay ka lang? pinagpapawisan ka ng sobra ah? buti pa magpahinga ka na sa loob ng villa" saad ng lalake sabay alalay kay Briston.

"okay lang ako pre, buti pa bumalik ka na kina coach, tapos kumbinsehin mo silang lahat na pumasok na sa villa" si Briston at pinilit niyang maglakad patungo sa kakahuyan.

"teka, Briston, san ka ba pupunta? mapanganib dyan?" pagpigil ng lalake kay Briston.

"pre, sige na, susunod agad ako, kaya ko ang sarili ko, sige na, kumbinsehin mo na sina coach na pumasok sa loob" si Briston at agad itong nagmadali patungong kakahuyan.

Agad naman sinunod ng lalake ang sinabi ni Briston at agad din naman niyang nakumbinse ang coach nila maging ang buong team na pumasok sa villa.

"okay guys! oras na para sa hot bath!" sigaw ng coach na ikinatuwa muli ng buong team.

Pagkapasok ng buong team sa villa ay di naman mapakali ang lalake dahil wala pa din si Briston, kaya nilakasan nito ang kanyang loob para alamin kung ayos lang ba ito.

Ilang hakbang lang sa kakahuyan ay nagulat ang lalake ng makarinig siya ng isang ungol na tila galing sa isang aso.

Malakas ito para sa kanyang pandinig dahil sa katahimikan sa buong paligid.

Vampire who will fall inlove with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon