sa mansyon ng mga Druseli. . .
Itinambad ni Mr. Druseli sa anak na si Freya, ang isang liham na natanggap nito, sa labas ng liham ay makikita ang isang simbolo ng isang octagon kung saan sa loob ay makikita ang pigura ng isang nilalang na nakapiring na binabalanse ang magkabilang bola(isang itim at isang puti) sa nakalahad nitong palad.
"galing sa mga Arzakar ang liham na iyan ah" si Freya ng makita ang simbolo sa liham na kanyang ikinabahala.
"tama ka Freya, at ngayon ay nakatuon na ang atensyon nila sa atin dahil sa ginawa mong pangengealam sa mga Valatuna! buti na lamang at babala lang ito, pero sa susunod na gumawa ka pa ng kung ano, tiyak katapusan na ng pamilya natin" galit na pahayag ng ama ni Freya.
"pinag sisisihan ko naman ang bagay na yon Drakza, pero wala nanaman eh, pinamukha na sa akin ni Volt na hindi niya ako mahal, umurong na siya sa aming pagtatakda" si Freya at muling umagos ang dugong luha sa mga mata ni Freya.
Tila naman nag-uusok sa galit ang ama ni Freya sa sinabi ng anak at talagang labis na nag igting ang mapupula nitong mga mata. "sinabi ni Volt ang bagay na yan? (kinuha ang metal na lagayan ng kandila at nilupi ito ng walang kahirap hirap) hindi pwede ang bagay na yan! nakipagkasundo na tayo sa kanyang Vanzar tapos ganon lang? magiging kahihiyan ito sa angkan natin!" saad ng ama ni Freya sabay hagis ng nilupi nitong metal na hawakan ng kandila sa may bintana na naging sanhi ng pagkabasag nito at agad itong tumalikod hudyat na aalis.
"san ka pupunta Drakza?" si Freya na kinutuban sa balak ng ama.
"kakausapin ko ang mga Vanzar ni Volt, dapat ay siguraduhin nilang magugustuhan ko ang paliwanag nila dahil kung hindi. . . kailangan nilang maghanda sa isang Elckad (eil-kad; means vampire war)" saad ng ama ni Freya at tuluyan na itong lumabas ng kwarto.
°°°°°°°
(sa bahay ni Erinn)
Ngayon ay mas malinaw na kay Erinn ang lahat, ang katauhan ni Volt, ang ugnayan nilang dalawa at maging ang tungkol kay Elledea.
"kaya pala nagtamo ka ng ganyang mga sugat ng dahil kay Craig, marahil kaya ganun na lang ang kagustuhan niyang makipag kaibigan sa akin ay para madali ka niyang mahanap, pero paano mo ba nalalaman kung nasa panganib ako? wag mong sabihin na 24/7 kang nagmamatyag sa akin?" si Erinn habang humihigop ng mainit na tsokolate naisip niya kasing bagay uminom ng ganun habang nagkwekwento si Volt.
"sa pamamagitan ng tibok ng iyong puso, di ba nga magkaugnay na tayo? bawat puso ng tao ay tumitibok, pero nag-iiba ito depende sa emosyon ng tao, pag masaya, malungkot, galit at kung ano pa, at nalalaman ko na nasa panganib ka na pag ang tibok ng puso mo ay may takot at pangamba" paliwanag ni Volt na labis naman naintindihan ni Erinn.
"sige nga, anung tibok ng puso ko ngayon?" si Erinn na tila may gustong patunayan.
"kalmado na may kasiyahan" tugon ni Volt.
namangha naman dito si Erinn pero pansin pa din niya na may lungkot sa mga mata ni Volt. "ako naman, huhulaan ko din yung nararamdaman mo, pero hindi gamit ang tibok ng puso kasi wala naman akong abilidad na ganun, kundi babasahin ko ito sa pamamagitan ng iyong mga mata" saad ni Erinn at inilapag muna ang hawak niyang baso na may mainit na tsokolate.
"sige, subukan natin" maigsing tugon ni Volt at humarap ito ng mabuti kay Erinn.
Kitang kita nanaman ni Erinn ang magandang greyish silver na mata ni Volt, habang matagal itong tinititigan ay talaga naman nakakaakit.
"ano na?" si Volt na nag-aantay sa sasabihin ni Erinn na bahagya namang nagulat.
"pasensya na (si Erinn na inayos ang sarili) hmm. . . base sa nakikita ko sa mga mata mo, ang damdamin mo ay punong puno ng lungkot at pighati, marahil, dahil ito kay Elledea, tama ba?" si Erinn at sabay kuha ulit sa baso na may tsokolate para uminom.
BINABASA MO ANG
Vampire who will fall inlove with me
VampirNagsimula ang kwentong ito Kay Erinn Fortez, isang estudyante na pilit hinaharap ang kanyang mga suliranin sa buhay lalo na sa eskwela kung saan ay parati nalang siyang napapagdiskitahan dahil na din sa kanyang sekswalidad. Buti na lamang at paratin...