(Sa bahay ng mga Pannard)
"Erinn!" si Briston na biglang nagising sa mahimbing niyang pagkakatulog mula sa kanyang higaan.
"kelangang kong iligtas si Erinn!" saad muli ni Briston at agad itong tumayo sa kama at nagsuot ng pang itaas na damit, ngunit saktong pagbukas niya ng pintuan ng kanyang kwarto palabas ay agad niyang nakita ang kanyang uncle Greg.
"gising na pala ang pamangkin ko, sakto, tatanungin na sana kita kung gusto mo nang kumain, pero teka (tinignan si Briston mula ulo hanggang paa) , mukhang may lakad ka ata ng ganiting oras?" pag-usisa ni Greg kay Briston.
"kailangan kong puntahan si Erinn, uncle Greg, kailangan ko siyang iligtas" paliwanag ni Briston.
"Briston, di mo na kailangan pang gawin yan, nasa maayos at mabuting kalagayan na si Erinn kaya naman, ang mabuti pa eh magpahinga ka na lang sa kwarto mo at dadalhan na lang kita ng makakain" tugon ni Greg.
"pero uncle, paano naman mangyayari yun? Kitang kita ko na kinuha si Erinn ng isang bampira, sinong magliligtas sa kanya sa mapanganib na nilalang?" pagtutol ni Briston sa kanyang tiyo.
"Briston naman, kalma lang, kagaya mo ay may nagproprotekta din kay Erinn, yun nga lang, ang pinagkaiba niyong dalawa; yung isa, pinoprotektahan niya si Erinn dahil iyon ay kanyang tungkulin, samantalang ikaw, bakit mo pinoprotektahan si erinn? Dahil sa kaibigan mo siya? Dahil parang kapatid mo na siya?" paliwanag ni Greg na nakatingin lang ng diretso sa mga mata ni Briston.
"Dahil mahalaga siya sakin" naitugon lang ni Briston na bahagyang napayuko at di makatingin ng tuwid sa kanyang tiyo.
"Briston, hayaan mong bigyan kita ng payo, pero siyempre, nasasaiyo yan kung susundin mo ito, alam mo, pag-aralan mo na ang paunti-unting pagdistansya kay Erinn, di ko sinasabing layuan mo siya o kalimutan, ang ibig kong sabihin eh maglaan ka ng sapat na oras sa iba, lalong lalo na sa sarili mo at hindi puro kay Erinn (hinawakan si Briston sa magkabilang balikat) ikaw, ikaw ang papalit sa pamumuno ng iyong ama, alam kong alam mo na ayaw ng kapatid ko ng aagaw sa atensyon mo na halos napapabayaan mo na ang iyong sarili" masinsinang paliwanag ni Greg.
"nagkakamali ka uncle (tumingin ng diretso kay Greg) mahalaga sa akin si Erinn, nang dahil sa kanya, madali kong nakokontrol ang pagiging taong lobo ko; pag malapit siya sakin, nakokontrol ko ang galit ko at hindi ako basta basta nagiging taong lobo; at lalo na, kapag kasama ko siya di ako nagiging mabangis at nagiging uhaw sa dugo na taong lobo sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan, di gaya ng iba" paliwanag naman ni Briston at agad na itong naglakad palagpas sa kanyang uncle ngunit agad din siyang hinarangan nito.
"naiintindihan kita Briston, napalapit na din naman sa akin si Erinn pero, sadya talagang darating ang araw na minsan sa ating buhay ay may kailangan tayong isantabi mapa-bagay man o tao o anumang nilalang para sa ikauunlad at ikabubuti ng ating sarili, alam kong di kita mapipigilan, pero, sana ay pag-isipan mong mabuti ang aking payo" pahabol ni Greg at di naman tumugon si Briston, agad lang itong umalis para puntahan si Erinn.
'bakit ba ganun ka-importante sakanya si Erinn?" isang katanungan na biglang namutawi sa isip ni Greg pagkaalis ni Briston.
°°°°°°°
Sa mansyon ng mga Araman, kalungkutan naman ang naramdaman ni Volt ng malaman niya ang nangyari sa kanyang ama, at gaya ni Volt, labis na hinagpis din ang patuloy na nadarama ng ina nito na nakatanaw lamang sa bintana at sinisilayan ang liwanag ng buwan.
"Veeza, bakit di ka pa magpahinga? Makakasama sa iyo yan, (lumapit katabi ng ina) naiintindihan ko ang nararamdaman mo Veeza pero magpasalamat nalang tayo at iyon lang ang naging hatol ng Arzakar kay Drakza at hindi kamatayan tulad ng sa mga magulang ni Freya" si Volt na pilit pinaliliwanagan ang kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Vampire who will fall inlove with me
VampireNagsimula ang kwentong ito Kay Erinn Fortez, isang estudyante na pilit hinaharap ang kanyang mga suliranin sa buhay lalo na sa eskwela kung saan ay parati nalang siyang napapagdiskitahan dahil na din sa kanyang sekswalidad. Buti na lamang at paratin...