*LEEN*
I kissed him. I kissed Slater. Oh my gosh!! I admit gusto ko tumalon sa ilog pasig sa kilig pero bakit parang mas nangingibabaw ang takot? Naalala ko tuloy yung text sakin ni ate andrea nung isang gabi. "Hi leen..saw you with slater sa field.. sweet niyo.. but friendly advice leen ha.. don't get emotionally attached kay slater kasi playboy yan nung highschool..malamang he's just playing you now"
Nagisip ako... matalino akong babae kaya hindi ako magpapaloko. Alam kong nagenjoy ako sa concert date namin ni slater ng sobra pero it won't change the fact na kahit anong oras pwede ako lokohin ni slater. The kiss? Baka naman isa lang ako sa mga babaeng hinahalikan niya.
I guess there's only one thing left to do now... ang patigilin siya sa panliligaw sakin. :(
Pero naalala ko din ang sabi niya noon, na hindi siya titigil hanggat hindi ko siya sinasagot o wala akong boyfriend.
Kaya nagdesisyon ako, sasagutin ko na si Paul. Hindi man siya kasing hot ni slater eh pwede na rin. At sigurado pa akong hinding hindi niya ko sasaktan. Sabi ng ng mom ko, natuturuan naman daw ang puso. Kaya yun ang gagawin ko, tuturuan ko ang puso ko na mahalin si Paul.
Kinabukasan, pumasok ako ng maaga. Gusto ko muna makausap si slater eh bago ko sagutin si Paul. Babastedin ko man si Slater.. sisiguraduhin ko naman na I'll do it in a nice way. Ayokong saktan si Slater..pero ayoko din masaktan.
*TIN*
"Tintin!!" masayang masayang bati ni slater sakin nung makita niya ko sa may open field sa school. Nung makalapit siya sakin eh binuhat pa ako at inikot ikot sa ere
"Saya mo ah" sabi ko sakanya nang ibaba niya na ako
"Yes.. all thanks to you tintin!!" ha? dahil sakin? shucks kilig naman lol
"Thanks tintin!! Umandar mga pakulo mo.. the best ka tlaga!" dagdag pa niya. Ah so umandar ang pakulo ko meaning ayos na sila ni leen. Okay mixed emotions.. masaya na hindi. chos.
"Talaga? so okay na kayo?"
