*SLATER*
It's been a week since nabasted ako. Ang sakit sobra, ang hindi ko alam eh kung nasasaktan ba ako dahil mahal na mahal ko siya o dahil sa lecheng ego ko. Natutukso kasi ako ng mga gago kong team mates na nabasted daw ako etc. akala pa man din daw nila eh playboy ako. Takteng yan, nung high school siguro pero simula nung nanligaw ako kay leen eh sumeryoso naman na ako. Siguro kung weak ako, baka naglalasing ako, nagda-drugs or whatever at isisisi ko yun sa pagiging broken hearted ko, pero di ako ganun eh. Instead, normal pa rin ang buhay ko.. after mga 3 days nga lang ata eh nakakangiti na ako kahit masakit pa din eh..
Bakit? Kasi may narinig ako sa dalawang babaeng nagtsi-tsismisan sa harap ko sa elevator. Di yata nila alam na nasa likod nila yung pinaguusapan nila eh. Pinagkukwentuhan nila yung pang-aaway ni tin kay darleen dahil hindi ako ang pinili niyang sagutin.
Si tin talaga, kahit kelan siya lang ang nakakapagpangiti sakin. Broken hearted ako eh pero tuwing naiisip ko siya gumagaan loob ko.
Ang pinagtataka ko eh kung bakit di na siya lumalapit sakin simula nung nabasted ako ni leen. Si leen naman ang nangbasted sakin eh.. package deal ba sila?
Naglalakad lakad ako sa may hallway papuntang canteen nang makasalubong ko si tin. Kunwari hindi niya ko napansin, dire-deretso lang siya.
Hindi ko napigilan ang bibig ko "Tintin!"
Parang nagdadalawang isip pa siya kung lilingunin niya ko kaya ako na ang naglakad papunta sa kanya.
"Tin, galit ka ba sakin?" tanong ko sakanya
Parang nagulat naman siya sa tanong ko. "Ako? bakit naman ako magagalit sayo?"
"Hindi ko nga rin alam eh.. iniiwasan mo kasi ako"
