*TIN*
Masayang masaya kami ni slater. As in todo todo to the highest level ang happiness namin. Sa ginawa niya para sakin sa quadrangle nung nagprofess siya ng love niya for me, nabura lahat ng doubts ko. Ibang klase nga magmahal si slater. 2 weeks na kaming mag-on at sobrang effort naman talaga siya sa pagsuyo sakin kahit kami na.
"Mine, pasabay ako maglunch sainyo" tanong ni slater sakin habang naglalakad kami papuntang canteen
"Eh nandyan ka na eh wala na kaming magagawa" sagot ni leen na katabi ko at ka-hhww naman si paul
Pumwesto kami sa isa sa mga vacant tables. Patayo na sana ako para sumama sa pagbili nang pigilan ako ni slater. "Mine, upo ka nalang diyan. Ako na bibili for you, ano ba gusto mo?"
Napa-smile ako. "Hmm... Chicken with Spaghetti tas coke" Inaabot ko sakanya yung pera ko pero ayaw niyang kunin.
"Libre ko" sabi niya
"Wag na mine, ito na pera ko o"
"Tintin, nakakalimutan mo yatang mayaman ako eh"
Inirapan ko nalang siya. Mayabang talaga :)
"Hay nako ang arte arte niyong dalawa nakakasuya" saway samin ni leen pero nakangiti naman siya
-----