*LEEN*
"I can't believe na Inindian mo si slater sa movie date niyo" sigaw ni tin sakin.
"Eh best, hindi ko naman talaga sinasadya eh.. kelangan lang talaga ni paul ng kasama nun dahil sobrang lungkot niya. Ikaw ba naman malaman mong maghihiwalay parents mo diba"
Sumigaw nanaman si tin. Sa ganda niyang babae eh parang amazona pag nagagalit. "Sana manlang sinabihan mo si slater, hindi yung basta ka nalang hindi nagpakita!"
Napatungo nalang ako. Nahihiya din naman ako sa ginawa kong pangi-indian kay slater eh. "Sorry na best, mageexplain naman talaga ko kay slater eh.. sobrang biglaan lang ako tinawagan ni paul, naawa lang ako.. I felt that I had to do something to make him happy"
Hindi na sumigaw si tin pero madiin pa din ang pagkakasabi niya "Bumawi ka sakanya best, bumawi ka!"
"Oo na...ikaw talaga sino ba bestfriend mo ako o siya? Parang mas kampi ka pa sakanya eh" nakakatampo naman kasi talaga. Mas kinakampihan pa niya manliligaw ko kesa sakin na bestfriend niya.
"Dun lang ako sa tama best, at unfair kasi yung mga ginagawa mo sakanya, kaya ako hindi ako lumalabas kasama nila james eh.. ayoko kasi maging unfair..decision nilang maghintay sakin yes..pero di ako nagiging biased kahit kanino sa kanila."
"Tin naman...sorry na para naman akong grade 2 kung pagalitan mo eh"
Tinitigan nalang niya ako at after ilang minutes eh nagsalita na siya "O.. eto" inabot niya sakin yung envelope.
"Ano yan?" tanong ko. baka pera..hehehe
"Yung Concert Tickets ng Maroon 5"
"bakit mo binibigay sakin tong dalawa? Eh diba tayong dalawa manonood nito?"
