*LEEN*
Nandito kami ngayon ni slater sa canteen. May tennis practice pa kasi si tin kaya nagoffer siyang samahan ako.
"Leen, nood tayo ng movie sa saturday gusto mo?" out of the blue na tanong ni slater
Na-excite naman ako kasi meron ako bet panoorin eh "Ay!! Sige Showing na yung Magic Mike eh!! Gusto ko talaga panoorin yun!"
"Yung about sa Male Strippers?" parang nadisappoint ata siya
"Oo, ayaw mo panoorin? Sige wag na lang, si tin na lang isasama ko panoorin yun..gusto din naman niya eh.. iba nalang panoorin natin" mas nadisappoint ako kasi parang ayaw niya eh
"Hindi sige..kung gusto mo Magic Mike edi yun panoorin natin" nakangiti na siya, papayag din pala eh..
"Yeesss...baet mo talaga..kaya gusto kita eh" nadulas ako sa nasabi ko ah.. bad tongue..
"Gusto mo ko?" nakangisi niyang sabi habang nakataas pa ang isang kilay
"'Huh? May sinabi ba ko? Wala akong sinabi ah" tanggi ko pa pero nakangiti naman kami sa isa't isa. Nagkakaintindihan kami..
---------------------
*SLATER'*
Nagtext si Leen na dito na kami magkita sa labas ng cinema 8. 7:15pm pa naman ang start ng movie pero 6pm palang nandito na ko. Nakabili na ko ng tickets at popcorn pati narin ng drinks. Excited eh... second time palang kasi namin manood ng movie na kaming dalawa lang. Madalas kasi kasama namin si tin. Hindi naman sa nagrereklamo ako kasi enjoy din naman talaga kasama si tin eh pero syempre mas okay din yung may "alone time" kami ni leen.hehe.
6:30 - tinext ko si leen kung nasan na siya at ang sabi niya eh papunta na siya. Napangiti ako. Hawak ko sa isang kamay ang dalawang jumbo popcorn at ang mga super sized softdrinks namin.
6:45 - tinext ko ulit si leen kung san na siya, gusto ko na kasi pumasok sa loob ng sinehan pero di siya nagreply.
6:50 - tinatawagan ko siya pero "out of reach" naman ang cellphone niya, tumawag ako sa bahay nila at nasagot naman ng katulong ang phone, kanina pa daw nakaalis ang amo niya.
