Is it okay if I call you mine?

390 9 11
                                    

*LEEN*

Bumalik si tin na umiiyak. Naman o..tinanong pa ng prof. kung bakit siya umiiyak. Sabi ko nalang sa prof. namin masakit tiyan niya kaya sasamahan ko lang sa clinic. Paglabas namin ng room diretso kami sa may fire exit. Sure kasi kami dun na walang makaka-kita samin.

"Best, ang sakit..." iyak ng iyak si tin. akala mo hihikain eh. Ano ba naman to o..

"Ano ba nangyari" tanong ko sakanya

"Wala walang nangyari, ayaw na yata niya sakin" iyak pa rin ng iyak si tin. My golly, ilang drum ba ng luha ang kaya ilabas nitong bestfriend ko?!

"Ikaw ba eh gusto mo talaga si slater ha..kahit na may possibility na lokohin ka lang niya?" prangka kong tanong sa kanya.

"Oo"

"So if ever na alukin ka niyang maging girlfriend, sasagutin mo na siya?"

"Oo" sagot ulit ni tin.

ouch..ano ba yun parang may safety pin na tumusok sa may dibdib ko. Sinilip ko yung bra ko, wala naman. Tss.. parang sa loob yung kirot eh.

Okay na ako na ang bahala. Ako na gagawa ng way, shet naman o Ako na ngayon ang bridge ng ex manliligaw ko na nagpakilig sakin ng maraming beses at nang bestfriend ko. What a life!

Pinuntahan ko si slater sa building nila, kung san madaming gwapo at matatalinong katulad niya.

"Uy, pare di ba yan yung nililigawan ni slater? Wow sila na ba?" tanong nung isang mukhang tuko

"Siraulo, hindi yan yun.. iba na nililigawan ni slater, yung kamuka ni angel locsin" sagot naman nung mukhang bulldog

It's too lateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon