"So...you must be the reason kung bakit ayaw magpareto ng bestfriend ko,” Alexis commented, looking at Carson from head-to-toe. “Talaga palang may manliligaw na ang kaibigan ko dito.”
We're now sitting on the couch where both me and Carson are facing her. Bakit ba para kaming magkasintahang nahuli ng magulang sa mga oras na 'to??
Nakakahiya, Porchsia. Nakakahiya.
"Manliligae?” diring-diri kong tanong. “As if. You know me very well, Alexis—mapili ako."
"Kaya ba ang GUWAPO ng napili mo?" magiliw niyang diin. Napahilot na lang ako ng sentido habang nilalakbay ng mata niya ang bawat sulok ng mukha ni Carson. “Owemji, never kang nagka-jowa pero magaling kang pumili!”
Nahagip ng mga mata ko ang kinang ng ngiti ng Araw na 'to after my friend's compliment. Feel na feel naman, ah.
"Stop it, Alexis. Mahangin na ‘tong katabi ko,” pagpapatigil ko saka sila natawa.
"Well anyway, I'm Alexis.” She offered her hand, inviting him for a handshake. “Since mukhang wala namang balak ang kaibigan kong ipakilala ka sa’kin, ako na ang magvo-volunteer.”
Nagparinig pa talaga.
"Carson. Carson Jay Legarda po," nakangiti niyang pagpapakilala at inabot ang kamay ni Alexis. Napairap na lang ako sa kawalan.
"Anyway, since when did you meet my bestfriend?" Alexis asked him. "I'm surprised at naging close mo siya."
"Close? Yuck," pag-iinarte ko kaya bigla akong siniko ni Carson. "Ano ba—"
"Nitong nakaraang araw lang po."
"Ahhh. Nakapagtataka. Sobrang magkabaliktad kayo ng ugali ni Porchsia pero parang click kayo," Alexis noticed. "Si Porchsia kasi, once in a blue moon lang ngingiti o tatawa. Pero ikaw, parang lagi kang masaya."
"Baliw nga kasi 'yan," bulong ko ulit at narinig kong napahagikgik 'yung katabi ko.
"What, Porchsia?" Alexis sarcastically asked na parang pinapatigil niya ko sa mga binubulong ko.
"Walaaa. Sabi ko, he's really like that kasi he's suuuch a positive person. Right, Carson?" I asked him—habang pilit kinahihiya ng utak ko ang lahat ng sinabi ko—saka siya nagpigil ng tawa.
"Kaya pala ayaw mong tawagan ko ‘yung Koreano kong friend last time, ahh. May napili ka na palang puwedeng jowain."
“How many times do I have to—”
"Anyway. Carson, kumakain ka ba ng Korean foods?" hindi na niya ‘ko pinatapos sa pagsasalita’t lumihis na sa Araw na ‘to.
Okay...what are you planning to do?
"Halos lahat naman po kinakain ko eh." He laughed as Alexis followed. "Hindi po ako mapili sa pagkain."
"Great! If you would not mind, free ako sa Wednesday. Can I invite you sa bahay ni Porchsia sa araw na 'yon? I'll introduce you to Korean foods," nakangiti niyang yaya. “Besides, I would also like to know you more."
"Excuse me lang, ah,” alma ko. “Hindi ba’t bahay ko ‘yon? Why are you inviting him to my house?”
“Then gusto mo ba siyang imbitahan?”
“Of course not!” sabat ko agad with an agitated tone.
She just gave me a glimpse of her smile. “Yeah, that’s why.”
------
Labag man sa loob ko, dumating pa rin ang araw na sisira ng buhay ko—Miyerkules.
YOU ARE READING
The Eclipse
FantasyA fantasy story you never expect it would just be. It started when the Moon met the Sun. The ice-cold solid rock heart she has melted, until it becomes pure and filled with warm joy. As their love develops and when they are getting closer, what if t...
