CHAPTER 5: Mysterious Woman

34 2 0
                                    

I entered the Values Faculty Room and was about to reach my office. Pero agad akong napahinto sa paglalakad when I saw the door slightly open.

Paano 'yan nabuksan kung ako lang dito ang may susi?

I am 100%  sure that I locked this last Wednesday. Sino namang lapastangan ang may lakas ng loob to enter Discipline Office without my consent? 

Hindi kaya may kinalaman ang panaginip ko dito? Nag-iisa pa man din ako sa Values Faculty Room ngayon. Is it possible that someone except Carson can do whatever they want, and it includes opening my door? Without a key?

Don't tell me...

"Maligayang pagbabalik sa bangungot mo...Luna."

Nandito ba siya para pagtangkaan muli ang buhay ko? That terrifying woman who called me Luna? 

I must figure it out. 

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa pinto. Sinusubukan kong pakinggan kung may tao sa loob but unfortunately, I hear nothing.

I took a retractable pen inside my bag to use in case of a sudden attack. When I clicked and the sharp ballpoint appeared, I grabbed the doorknob and agad itong binuksan. Nagulat na lang ako sa kung anong bumungad sa’kin sa loob. 

"SURPRIIISE!"

I was not greeted by death, but with the perfect reason to smile.

My two friends—Ma'am Marilou and Sir Wacky—suddenly shouted. Their arms are wide open and joy can be seen on their faces, especially in their smiles. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib—nakahinga ako nang maluwag.

"Finally," react ko as we hugged as a group. Grabe, from nervousness to a sudden joy, I can't handle this shift of emotions right now. "Ang dami niyo sa'king iniwang gawain, mga hangal kayo." 

"Napagod ka ba? Thank you dahil inasikaso mo, ah." Ma'am Marilou expressed her gratitude while finger combing my hair. Pare-pareho na kaming bumitiw sa yakap.

The man next to her charmingly flipped his hair, "Na-miss mo ba ang kaguwapuhan ko, the Great, Great Samson?" mahanging tanong ni Sir Wacky. 

"Mas na-miss kong batuuukan ka nang paulit-ulit dahil ang hangin mo," sambit ko saka siya binatukan. Pareho naman silang natawa. 

Hinimas niya ang ulo niya sa sakit. "Alam mo, ikaw? Babae ka pero 'yung bigat ng kamay mo pang-kargador."

"Kahit marami sa batch natin noong high school ang nagkakagusto sa'yo, I will never choose to fall on your appearance." I crossed my arms at napaayos na lang siya ng buhok. "Hindi mo 'ko mamo-modus."

Hindi naman napigilan ni Ma'am Marilou na matawa sa hirit ko, "Sige, pango. Tawa ka diyan." Sir Wacky involved her  dahilan para hampasin nito ang maputing braso niya. “Aray!”

“Ayan, sige,” sulsol ko.

“Kababalik lang natin pero ilong ko pa talaga ang pinansin mo."

"Ang sakit— ano ba 'yang mga buto niyo? Bakal??"

Hayys, napailing na lang ako. My partners in solving puzzles—they're finally here. It’s been months mula nang makumpleto kami. I'm so glad na nakabalik na rin sila sa wakas. 

Nagkwentuhan pa kaming tatlo nang konti kanina bago nagdesisyong magtrabaho na. At dahil nandito na sila, wala pa akong klase sa mga oras na ito. Nabawasan rin ang workloads ko.

Nakakapanibago nga na ang dami ko nang vacant ulit pero masaya at the same time. Kaya para pakinabangan ko naman, nagtungo ako dito sa library para maghanap ng puwedeng basahin.

The EclipseWhere stories live. Discover now