Mythology-Lux Noctis

0 0 0
                                    

Masiglang saliw ng musika, mahalimuyak na bango ng mga bulaklak, maiingay na tawanan at sigawan, nagsasarapang mga pagkain, at mga makakapangyarihang diyos at diyosa ng Zerova. Lahat ng ito ay sangkap ng pagdiriwang ng pista ng lilang buwan. Pistang kilala rin sa tawag na Zarim.

Sa palasyo ng Arcadia, lahat ng diyos at diyosa sa Zerova ay nagsasayahan. Naroroon ang pinakamagandang diyosa ng tubig na si Avael, ang tusong diyos ng apoy na si Kiram, ang pilyong diyos ng lupa na si Verzil, ang misteryosong diyos ng kadiliman na si Nox, at di rin pahuli ang kambal na diyos ng liwanag at hangin na sina Levis at Laevis.

Imbitado ang lahat ng mga imortal ng Zerova. Lahat ay magiliw sa pagtanggap sa isa't isa. Nagsikainan sila ng masasarap na mga handa. May nakipagtawanan sa mga dati nilang kaibigan. May nag-uusap-usap tungkol sa mga mortal na walang kaalam-alam sa lupa. May ilang ring nagpapaligsahan at nagpapayabangan. Sa madaling salita, may sariling mundo ang bawat isa sa kanila.

Ngunit, sa isang iglap, lahat ng atensyon ay napako sa bukana ng kastilyo. Mapa-babae man o lalaki, lahat ay napatulala. Nakatayo roon ang isang babaeng ngayon pa lang nila nakita. Hindi ito matatawaran sa ganda at halimuyak. Sobrang nakakapanghalina ng mga mata nitong tila kumikislap na asul na mga diamante. Para itong bagong sibol na puting rosas sa gitna ng kadiliman.

Nang maglakad ang babae papasok, ang unang naglahad ng kamay sa kanya ay ang diyos ng kadiliman. "Maaari ba kitang isayaw, magandang binibini?"

Nagkatinginan ang dalawa.

Napangiti ng matamis ang babae at walang pag-alinlangang tinanggap ang kamay ni Nox. "Isang karangalan na maisayaw kayo, ginoo."

Sinimulan nila ang isang napakaromantikong sayawan sa buong palasyo ng Arcadia.

Buwan ang lumipas ngunit hindi parin maalis sa isip ni Nox ang matatamis na ngiti ng babaeng naisayaw nya si Zarim. Araw-gabi tila'y hindi nito nilulubayan ang isip niya. Hindi niya makalimutan ang hindi mapakahulugang damdaming naramdaman niya ng maglapat ang kanilang mga kamay. Kung siya lang ang masusunod, nais niyang maulit pa ito, maulit ng maulit.

Sa kabilang panig naman, sising-sisi naman si Lucerna sa pagsuway ng utos ng ama. Nagalit ang ina niya sa ginawa niyang pagdalo sa pagtitipon ng mga imortal at ikinulong siya sa kanilang palasyo bilang parusa.

"Kung sumunod ka lang sana sa sinabi ko sa'yo, hindi magkakaganito ang pangyayari!" pangaral ng ina niya.

"Pero ina..." tugon naman ni Lucerna.

"Wag ka ng r-um-ason pa, Lucerna."

Tinalikuran siya ng ina niya at isinara ang pintuan ng kaniyang kwarto. Walang magawa naman si Lucerna kundi mapabuntong-hininga.

Si Lucerna ay isang anak ng diyos. Mortal ang kaniyang ina, habang ang diyos naman ng liwanag na si Levis, ang kaniyang ama. Pinagpala siya ng kagandahang higit pa kaninuman, mapatao o diyos. Ngunit, dahil sa galit ng kanyang ina sa kaniyang ama, pinagkait sa kanya ang tsansang makisalamuha sa iba't ibang imortal ng mundo ng Zerova.

Pinakaayaw sa lahat ni Lucerna ang makulong. Pero, wala siyang magagawa. Hindi niya naman mapakiusapan ang ama sapagkat galit rin ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Alam ni Lucerna na ginagawa lang ng mga magulang niya kung anong nararapat sa kanya dahil sa sobrang pag-aalala sa kalagayan niya, pero hindi niya parin maiwasang magtampo.

Lumipas ang mga panahon at tuluyang umibig si Nox kay Lucerna. Habang pinagmamasdan ang babae lalong sumisidhi ang damdamin niyang kunin ito at dalhin sa kanyang kaharian. Nais niyang ipakita ang pagmamahal nito rito. Dahil sa desperasyon, humingi siya ng tulong kay Kiram at Verzil, makilala lang ang pangalan ng babae.

Tales of Time (Oneshot Story Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon