Short Story - Isabel's "Letter to Aria"

0 0 0
                                    

Nagising si Isabel sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mata, senyales umaga na. Kagaya ng nakasanayan, bumangon sya, linigpit ang higaan saka inakaso ang sarili. Isinuot nya ang blusang pinakapaborito at nagmamadaling bumaba mula sa luma at giba-giba nilang bahay.

"Nay, una na po ako!" Paalam nya habang akay-akay ang isang basket na naglalaman ng pumpon ng mga bulaklak.

"Mag-ingat ka sa paglalako, anak ha?" paalala naman ng ina nyang nakadungaw sa bintana at kumakaway. Isang matamis na ngiti at tango lang ang binalik ni Isabel bago masayang lumisan.

Galing man sa mahirap na pamilya, isang napakamapangarap na dalagita si Isabel. Pangarap nyang magkaroon ng magandang trabaho at maiahon ang pamilya sa kahirapan balang araw. Pangarap nya ring mapagtapos sa pag-aaral ang pito nya pang nakababatang mga kapatid. At higit sa lahat, pangarap nyang matupad ang mga pangarap na ito sa tamang panahon.

Inspirasyon ang mga pangarap, lalong pinag-iigihan ni Isabel ang pag-aaral ginagawa ang lahat makamit lang ito. Todo sikap sya, hindi inaalintana ang pagod ay hiya, basta para lang sa pamilya. Marami syang trabahong ginagawa, masuportahan lang ang ama't ina.

Kagaya ng ginagawa nya sa ngayon...

"Ate, kuya! Bili na po kayo! Rosas, Rosal, Sampaguita, at Gumamela! Mura lang at bangong pitas pa. Bili na po kayo, mga Ate at Kuya!" sigaw nya habang naglalakong may ngiti sa labi. Marami mang nakatingin sa kanya ng mapanghusga pero hindi sya nagpaapekto at sige lang sa ginagawa.

Araw araw nya itong ginagawa, may klase man o wala. Ang pera makukuha nya rito ay ginagawa niyang pambaon nilang magkakapatid sa eskwela. Ang mga bulaklak na matitira ay inaalay nya sa simbahan. Ang sobrang perang makukuha nya ay tinatago nya sa kanyang alkansya.

Ngunit, hindi lang iyan ang ginagawa ni Isabel.

Pagkatapos maglako ng mga bulaklak, uuwi sya sa kanilang bahay at magpapalit ng uniporme para sa eskwela. Ibinabahagi nya ang kinita nya sa mga kapatid nya at sabay silang maglalakad papuntang paaralan. Habang nasa paaralan, tumutulong sya sa kanilang kantina at tumatanggap rin ng konting pera mula sa kanila. Yun naman ang ginagamit nya pambili ng mga kailangan nya pampaaralan.

Pagpatak ng uwian, dumidiretso si Isabel sa tindahan ng kanyang tiyahin kung saan nagtatrabaho din sya bilang isang 'cashier'. Dahil likas naman na may talento sa matematika at sadyang napakaresponsable, isa sya sa pinakapinagkakatiwalaang empleyado ng kanyang tiya. Kinsenas ang sweldo nya dito sa trabaho nyang ito. At ang sweldo nya rito ay syang binibigay nya sa kanyang mga magulang para panggastos kung kinakailangan.

Halos araw-araw ganito ang siklo ng buhay ni Isabel. Gising, trabaho, eskwela, trabaho at pahinga. Kahit paulit-ulit man ito, hindi sya napapagod, hindi sya nawawalan ng gana, hindi sya sumuko, ni makaisa.

Hanggang sa...

"Lumalala na ang sakit ng ama mo Isabel. Kailangan na talaga siguro natin syang dalhin sa doktor at ipagamot." nag-aalalang sambit ng ina nya pagkauwi nya mula sa kanyang trabaho. Halata ang kalungkutan at takot sa mga mata nito, dahilan na mabahala rin pati si Isabel.

"Iniinom nya parin po ba ang gamot na maintenance nya?" tanong ni Isabel sa ina.

Tales of Time (Oneshot Story Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon