Mythology-Amor Verus

2 0 0
                                    

Sa isang liblib na parte ng kaharian ng Nicerna, isang napakagandang batis ang makikita. Mala-kristal sa linaw ang tubig, mala-paraiso sa ganda. Umaapaw sa buhay. Sabi-sabi ng ilan, tahanan daw ito ng isa sa mga diyos, ngunit walang makakapagpapatunay.

Kilala ang batis na ito sa katawagang Zercei. At sa batis na ito, patagong nagkikita ang magkasintahang sina Eiarus at Celmibe.

Patagong nagkikita ang magkasintahan sapagkat, alam nilang bawal sila para isa't isa. Magkaiba sila ng mundo, magkaiba din sila ng katauhan. Ngunit, dahil sa pag-ibig nila sa isa't isa, tanggap nila kung sinuman sila.

Ang lalaki, si Eiarus, ay mula sa pamilya ng hari ng Alakitacia, ngunit isinuko ang posisyon upang maging isang manlalakbay. Ang babae naman, si Celmibe, ay isang diyosa ng mga bulaklak, diyosang bumaba mula sa Arcadia ng masilayan at umibig kay Eiarus. Sa mismong batis sila unang nagkita, at doon rin sila napamahal sa isa't isa.

Alam nilang ang pagmamahalan ng diyos at tao ay lubos na pinagbabawal. Ganun din ang parusa sa sinumang sumuway nito na pagkakakulong sa impyerno. Ngunit hindi nila kayang bitiwan ang kamay ng bawat isa. Base pa kay Celmibe, handa siyang isuko ang lahat, maipaglaban lang ang pagmamahal kay Eiarus. Si Eiarus, naman, handang ibuwis ang buhay, huwag lang mawalay kay Celmibe.

Nagkakilala na sila sa loob ng ilang nga taon, at lahat ng tungkol sa kanila ay nananatili pa ring sikereto. Mahal na mahal nila ang isa't isa.

Hanggang sa isang araw nagulat na ang sila ng makitang hindi sila nag-iisa sa Zercei. May iilang mga personang naghihintay na sa kanila doon, lahat nakatingin sa kanilang ng matalim. Nauna si Eiarus na humarap sa mga personang iyon. Mahigpit namang hawak ang kamay ng binatang sumuod si Celmibe.

Nagpakilala ang mga personang iyon na mga sugo ng Aracadia at narito sila upang buwagin kung anuman ang namamagitan sa pagitan ng dalawa. Lubos na natakot si Celmibe, isa ito sa mga pamahiin niya. Ngunit si Eiarus, matatag na ipinaglaban ang kanyang pag-ibig sa diyosa.

"Isuko mo ngayon ang diyosa! Labag sa batas ang pagmamahalan ng mortal at imortal. Sa pangalan ng hari ng Acadia, nagsasalita kami, layuan niyo ang isa't isa!"

"Hindi!" Depensa ni Eiarus. "Kung sinuman ang nag-utos sa inyong buwagin ang pagsasamahan namin, wala akong pakialam! Mahal na mahal ko si Celmibe at kailanman ay hindi ko siya iiwan o ipapaubaya man lang sa inyo!"

"Pwes, mapipilitan kaming daanin kayo sa dahas!"

Takot na takot si Celmibe ng panahong yun at hindi na niya napigilan ang sariling gumamit ng kapangyarihan. Hinila niya palayo si Eiarus at mabilis nilang nilisan ang lugar. Halos hindi na alam ni Celmibe ang gagawin, kaya ganun lang din ang pag-aalo sa kanya ng kasintahan.

Nakarating sila sa nayon Lithoa at pansamantalang napayapa. Sakto ring pagkarating nila may isang salu-salong pinagsasaluhan ang mga tao. Inimbita sila ng mga tao at hindi naman tumanggi ang magkasintahan.

"Dito muna tayo, mahal ko. Sa palagay ko, malayo-layo na tayo at hindi basta-bastang matutunton ng mga iyon." Pakiusap ni Celmibe.

"Sige. Magpahinga muna tayo rito." Pagsang-ayon naman ni Eiarus.

"Hali kayong dalawa! Saluhan niyo kami sa salu-salong ito!" Anyaya naman ng mga tao sa kanilang dalawa.

Magiliw na nakitungo ang mga tao sa kanila. Nakibahagi rin sila sa mga aktibidad ng nayon. Nabigyan rin sila ng tsansang makita ang mga napakaganda at masining na mga bagay na nililok ng mga mamamayan. Higit sa lahat, binigyan din sila ng matutuluyan, pagkain at ilang mga alahas. Pansamantalang nakalimutan ng magkasintahan ang problema.

"Nakapasaya dito." masayang turan ni Celmibe at isinuot ang isang gintong kuwintas kay Eiarus. "Bagay sa'yo!" Humigikhik pa ito.

Napangiti naman si Eiarus, "Masaya akong masaya ka."

Ngunit pagdating ng hating gabi, mabilis na umalis sa Lithoa ang magkasintahan. Alam nilang malapit na ang mga sugo ng Arcadia at hindi nila kayang mandamay pa ng ibang mga tao. Tinawag ni Celmibe ang kaibigang Derida, ang ibong mensahero ng mga diyos, at sakay rito, pumunta sila sa Alakitacia, ang tahanan ni Eiarus.

Habang sakay sa Derida, tinanong ni Eiarus ang kasinatahan kung bakit sila tutungo sa Alakitacia. Isang ngiti naman ang sinagot ng babae at ipinaliwanag kung anong pakay nila sa lugar.

"Ang Alakitacia ay tahanan ni Mensis, isa sa mga diyos na kaibigan ko. Maaari tayong humingi ng tulong sa kanya at matapos na ang habulang ito."

Nakarating sila sa Alakitacia, ngunit ganun lang ang gulat nila ng matagpuan doon si Devoira, ang diyosa ng buhay at kamatayan na naghihintay sa kanila. Dala nito ang mahabang karit na sandata. Agad namang naalerto ang dalawa at pinrotektahan ang isa't isa.

"Manatili ka sa likod ko, Celmibe!" utos ni Eiarus.

"Natatakot ako, Eiarus." Mangiyak-ngiyak na sambit ni Celmibe at napaatras.

"Wag kang mag-alala, mahal. Po-protektahan kita hangga't sa makakaya ko!"

Walang pag-aalinlangang sinugod sila ng diyosa. Nilabanan naman ni Eiarus ito, ngunit sobrang lakas ng diyosa para sa hamak na mortal kagaya niya. Hindi siya sumuko, pinaglaban niya at pinrotektahan si Celmibe hanggang sa hindi na siya makatayo.

"Eiarus!" sigaw ni Celmibe.

Nang tuluyan na siyang nanghina, doon na sinugod ni Devoira si Celmibe. Wala pa sa katiting ng kapangyarihan ni Devoira ang lakas ng babae kaya agad itong natalo. Hindi nakontento si Devoira na makitang talo lang si Celmibe. Gusto nitong makita ang kapwa diyosa na naghihirap at nagdurusa.

"Ganyan nga! Sumigaw ka pa! Tanggapin mo pa ang lahat ng sakit na dulot ng kahibangan mo! Wala kang kuwentang diyosa!" sigaw ni Devoira habang sinasaktan pa si Celmibe na lubos nang kaawa-awa.

"Tama na!" sigaw ni Celmibe.

Walang magawa naman si Eiarus habang pinagmamasdan ang minamahal na kasinatahang unti-unting pinapatay ng diyosa ng buhay at kamatayan. Sobrang sakit ito para sa kanya, sobrang sakit na pakiramdam niya, siya itong kinakawawa. Kailangan niyang gumawa ng kahit ano, basta, mabuhay lang ang minamahal!

"Kailangan kong gumawa ng paraan! Kahit ano!" bulong niya sa sarili.

Kaya, buong lakas na tumayo siya at iniharang ang sarili. Sinalo niya ang atake na dapat ay kay Celmibe. Natamaan ang puso niya, unti-unti siyang nawalan ng buhay. Sinalo naman siya ni Celmibeng tulala, hindi makapaniwala.

"Mabuhay ka mahal ko..." Kasabay ng pag-usal niya ng mga salitang iyon, ay ang pagkawala rin ng buhay niya.

"EIARUS! AHHHH! HINDI!" Sigaw ni Celmibe at nagpuyos sa galit. "HUMANDA KA! DEVOIRA. PINATAY MO SIYA!"

Napuno ng galit ang diyosa. Inipon niya ang buong lakas at sinugod si Devoira. Dahil sa galit triple ang bagsik ng atake niya. Nasugatan ng malubha ang diyosa ng kamatayan, dahilan na umatras ito.

Nang mawala si Devoira ay agad na nanghina si Celmibe. Pero kahit ganun, inubos niya ang natitirang lakas upang tawagin si Mensis, ang diyos ng buwan, ang siyang nangangalaga sa mga mortal. Ang tanging maaasahan niyang makakapagtulong sa kaniya.

"Pakiusap, dinggin mo ang boses ko, Mensis. Nagsusumo ako." pipi niyang dasal.

Nang marinig ang boses ni Celmibe, agad na nagpakita ang diyos sa kanya. Pagkakita nito sa sitwasyon ng diyosa ay lubos itong naawa. Mapagkumbaba at umiiyak na lumuhod si Celmibe paanan nito. Nagmakaawa siya na buhayin ulit si Eiarus.

"Gagawin ko ang lahat, isusuko ko lang lahat, nagsusumamo ako, buhayin mo ang mahal ko. Pakiusap Mensis, hindi ko kayang mabuhay ng wala siya sa tabi ko."

Sumunod sa kagustuhan niya si Mensis. Binuhay niyang muli ang mortal at kinuha ang pagkadiyosa ni Celmibe. Lubos namang nasiyahan ang babae. Sobra ang pasasalamat niya sa diyos ng buwan.

"Ngunit." patuloy pa ni Mensis. "Nais kong ibigay mo sa akin bilang asawa ang iyong panganay na anak. Bilang kabayaran sa lahat ng tulong na hiningi mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tales of Time (Oneshot Story Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon