June 23 2019

9 0 0
                                    

Hi diary! It has been a while.

Pwede bang magtanong?

Kasalanan ko bang maituturing kung may mga maling desisyong nagagawa ang mga taong nakapaligid sakin?

Kasi sa ngayon, palagi na lang akong mali.

Kung hindi naman eh walang kwenta.

Bobo.

Timang.

May sariling mundo.

Adik.

Matigas ang ulo.

Sutil.

Tanga.

Walang utak

Tamad

Isang kahihiyan.

Makasarili.

Suwail.

Ano diary? Meron pa ba?

May alam ka pa bang mga masasakit na salita na hindi ko nasabi?

Kasi kung meron, pwede paki-inform ako para kung sakaling marinig ko yun mula sa iba ay hindi maging bago sa pandinig ko.

Pero alam mo kung ano ang mas masakit diary?

Yung mismong magulang mo pa yung top 1 sa mga nagsasabi ng mga ganung salita.

Baka matanggap ko pa kung ibang tao kaso hindi eh.

Sila na yung nagsasabi sakin.

Ang hirap lang isipin na araw-araw ko yung nararanasan kaya pagdating sa ibang tao eh, namanhid na ako.

Di ko na malaman kung nakakasakit na ba itong bibig ko kasi minsan may nasasabi akong di ko alam nasasaktan na ang iba. Kasi para sakin, normal na lang yun sa pandinig ko.

My Lonely WorldWhere stories live. Discover now