November 17, 2019

4 0 0
                                    

Hi diary!

Isa itong nakaw na panahon kasi pinagbawalan na akong mahawakan yung phone ko.

To be clear, umaga pa lang at tulog pa ako. Naalimpungatan ako nang marinig ko ang magulang ko na pinagsasalitaan na naman ako sa umaga.

Ganun naman palagi. Naiirita akong marinig yun kasi nga wala namang lalabas na maganda sa bibig niya. Kaya umayos ako sa aking pagkakahiga.

At dahil nasa kwarto ako, kung kanina ay nakaharap ako sa pintuan kung nasaan ang aking magulang, ay tumalikod ako ng pagkakahiga sabay tabun ng unan sa aking tainga.

"Hoy! Makinig ka nga sakin!..."
Ani niya.

Anong papakinggan ko? Yung mga nagbubunganga niya?

"Hoy suwail ka talaga noh?! Wala ka talagang kwenta. Kaya ganyan kapatid mo eh! Sinusunod niya mga kabulastugan mo!"

Palagi naman sa akin ang sisi eh. Kaya ayon ako, nakuha ko pa atah ang pagka-perfectionist niya. Alam kong maniarism ko na yun kasi araw gabi ko na yung nararanasan.

"Simula ngayon hindi ka na pwedeng gumamit ng cellphone mo ah! Di bah sabi ko sayo 2 hours lang ang paggamit niyan?! Ay hindi! Parang ang nagyayari ay 2 hours lang ang oras ng hindi mo paggamit ng cellphone mo! Di bah sabi nga sa salamat dok dapat ang mga kabataang katulad mo naglilibang gamit yung ibang bagay! Na walang paggagamitan ng cellphone?!" Sermon niya.

Eh ano pa bang pwede kong gawin?

Bawal akong makipag-usap sa mga classmates ko pag nasa bahay kasi daw hindi ba daw ako nagsasawa sa mga itsura ng classmates ko.

Bawal lumabas ng bahay para magpunta kung saan saan na ginagawa ng mga kaidad ko. Nakaka out of place lang.

Bawal din akong makipag usap sa mga pinsan ko. Ako na lang gumagawa ng paraan para makausap ko sila.

Hindi din naman akong pwedeng manood ng gusto kong palabas sa tv kasi daw dapat pagbigyan ko ang kapatid kong pabida.

At ngayon bawal na rin akong mag cellphone?! Paano yung mga gagawin ko? May ineedit pa akong kpop random challenge eh. Eh paano??!! Eh yung mga magulang kong dapat sumosuporta sakin. WALA! WALANG PAKE!

Ako na lang ngayon mag-isa. Minsan sinusubukan kong mag-open up sa kanila na depress ako. Wala lang sa kanila tapos sasabihan akong...
"Umayos ka nga! May ginagawa ako eh!"

Sino pa kasama ko sa mga ganitong sitwasyon? Wala. Kahit naman may mga classmates ako eh kaibigan ko lang naman sila kapag may katuwaan. Pero kapag may problema ka wala naman silang pake. Soo walang ring kwenta.

Kanina pa ako umiiyak dito sa kwarto. Mag-isa, walang may nakikinig, introvert, depressed.

My Lonely WorldWhere stories live. Discover now