December 31, 2019

2 0 0
                                    

Hi diary?

8:09 pm na. Mamaya new year na nga eh. Pero ba't ganon? Kumpleto naman yung pamilya ko kasi nandito ang tatay ko pero parang wala pa rin.

Ngayon, nasa harapan ako ng tindahan namin. Nakatingin sa mga bituin. Bigla kong nakita yung 3star constellation na kitang kita sa lugar namin. Naaalala ko nung mga new year namin na kaming magpipinsan ang magkakasama. Pero ngayon? Wala. Nakakamiss lang. Hindi naman kasi ganoon kadali yun eh.

Yung hindi ko dapat pansinin yung mga pinsan mong ilang taon mo ring naging bestfriend. Hindi pwedeng isang araw gigising ako at galit na rin ako sa kanila na sa katunayan. Mga parents naman namin yung may hindi pagkakaintindihan. Hindi ko alam kung ganon din ba nararamdaman nila sa sitwasyon namin o baka okay lang sa kanila. Hindi ko rin alam. Pero ito yung nararamdaman ko ngayon. Kaya alam mo? Nararamdaman ko rin yung pakiramdam na may kulang sa pagkatao mo kagaya ng iba sa mga kaklase ko. Pero sa mga ngiti nilang ipinapakita sa araw-araw naming magkakasama sa iisang silid-aralan, di mo aakaling ganon pala mga dinadala nila.

Kaya nga wish ko nung pasko at ngayong new year...hindi muna materyal na bagay. Yung wish ko na..

"Sana magkabati na sila."
Yun lang.

Kahit alam ko nang walang lihitimong Santa Claus sa panahon ngayon,

Sana matupad pa rin yung hiling kong ilang taon ko na rin ginagawa sa bawat birthday, occasion, pasko at ngayon bagong taon.

My Lonely WorldWhere stories live. Discover now