January 9, 2020

3 0 0
                                    

Please hayaan mo akong ipahayag ang saloobin ko ngayon.

Ilang beses ko nang narinig sa ibang tao, sa school, friends, kakilala, na I have the rights to convey my thoughts towards my parents, that I can sometimes deny what they are trying to impose. Sabi nila may karapatan daw akong masabi yung gusto kong sabihin, that I have have the rights to speak. Pero sa tingin ko, I only have the rights to JUST listen. Makinig lang nang makinig. Bawal magsalita. Isang taong walang dapat ibang gawin kundi sundin ang utos ng magulang kahit labag na yon sakin.

Ngayon, may mali ba kung gusto kong maging story maker? I mean sa short film namin. Kasi sabi NIYA ba't daw ako lang gumagawa nito eh group work naman daw eh. Tinanong ko siya kung pwede niya akong matulungan. Himbis na sagutin ako ng "hindi" sasabihan pa akong "tanungin ko daw mga kagrupo ko" o kaya naman eh "Ba't di sila tanungin mo?". Bakit kahit sinisikap ko na ngang tumaas grades ko gusto niya ipaubaya ko sa iba. Gusto ko sanang sabihin na...

"Ito yung gusto kong gawin eh. Sila lang yung actors and actresses. I don't mind kung wala akong exposure sa cam. Hindi naman ako photogenic o gwapo para mapakita ko mukha ko. I'm a vlogger yet they don't even give a small amount of sympathy. Kahit konting puri lang. Okay na sana ako kasi at least nakikita ko na supportive sila."

Kaso hindi ang gusto nila yung makakaangat ako sa iba. Eh HINDI NGA AKO GANON! Sila kaya yung magpaka-introvert tingnan ko lang kung di sila pagpyestahan ng alikabok.

Wala silang pakialaman sa saloobin ko.

Tatanungin nila ako pero scripted naman yung DAPAT kong isagot. Like okay lang ba yung drive mo? Syempre hindi ako mayabang kaya sasagot lang ako ng "okay lang". Ano gusto nila isagot ko? " Grabe! Ang tinde! Wala akong babanggang aso!" Ano? Ganon?

Maliliit na bagay papansinin. Tapos palalakihin pa. Isyung walang sense paaabutin hanggang sa masabihan na ako ng masasakit na salita. Tapos ano?  Ayaw nilang bumusangot pagmumukha ko? Sino kayang bata ang matutuwa kung papagalitan ka dahil lang sa walang kwentang bagay. Ng PAULIT-ULIT.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Lonely WorldWhere stories live. Discover now