Chapter 4

26 3 0
                                    

<<<<<Chapter 4>>>>>

Bryna Michelle Morales

Umuna na ako kay Andy, hindi na ako sumabay sa kanya dahil laging late pumapasok yun eh. Inagahan kong pumasok dahil alam kong late pumapasok ang Sixth Street. Para nasa loob na ako ng room and finally, magiging safe na ako!

Tatawid na ako papuntang Front gate ng 2nd year college ng nakita kong nakaabang dun si Kyle, agad naman akong tumalikod. Patay! Ano nang gagawin ko?!

Ano kaya kung ikot nalang ako? Dun nalang ako sa back gate? Cge na nga!

Grabe ang layo pala ng inikot ko? Sa laki ba naman ng building namin! Ng mga 2nd year, kaya ang haba ng inikot ko, dun ako pumasok sa back gate malapit sa front gate ng Building ng 1st year.

Dito kasi sa school namin kada-year may sariling building at sariling gate.

Pagkapasok ko sa gate, agad na akong umakyat patunong 3rd floor, kung nasaan ang aming room. Pagkapasok ko, buti nalang at maaga pa! 15 mnts pa bago magumpisa ang klase! Finally at SAFE narin!

"Friend san ka galing?" Tanong ni Linsie

"Wala, kakarating ko lang!"

"Eh bakit pawis na pawis ka? May kotse naman kayo ah! Para ka namang naglakad nyan!"

"Naku hindi ah!" Sinabi ko nalang na hindi dahil alam kong kukulitin ako nyan kung bakit ako naglakad? Bakit ako sa back gate dumaan? Hay!!

Ang O.A makatingin saken yung mga tao! Tapos nagbubulungan pa yung iba ang lakas lakas naman ng boses, yung totoo?

Dba sya yung nasa fb? Yung feelingerang magpapakasal kay Kyle...

Oo, at ang tindi nya ah! Talagang tinapat pa sa school fair ang kasal! Hahahaha...

Oo nga, hanep nga eh! Naka formal wear kinakasal?...

At ito namang si Kyle, hindi manlang nagpumiglas!...

Hindi ah! Mukhang yamot na yamot nga sya eh!...

Wews! Bahala na kayo kung anong gusto nyong isipin! Basta ang totoo ay totoo!

"Ok lang yan friend atleast sikat ka na!"

"-_-" *pokerface* yan lang ang pinakita kong reaksyon ko.

"Biro lang naman!"

"Di magandang biro"

"Sorry na nga"

"Kasi kung di dahil sa inyo hindi mabubulabog ang tahimik kong buhay"

"Don't worry friend tutulungan ka namin! Promise! ^____^"

"Goodmorning class!" Biglang pumasok ang prof namin sa History Class, psh! Boring nanaman ito!

Matapos ang dalawang oras na pagtitiis ko sa antok ko ay finally! At break time na! 15 mnts break lang ito at pagkatapos ay pupunta na kami sa next subject namin, Science! Wiii my favorite subj.

Habang nandito na kami sa room at naghihintay sa ibang studyante at sa aming prof. nag-fb muna ako. Pinakita ko sa kanila yung picture!

Para talaga syang nasa totoong chapel! Hehehe.

Habang tinitignan nila ang mga comments ako naman ay nagrereview para sa quiz namin mamaya. Ngayon ko lang naalala meron pala kaming quiz ngayon, hehehehe ^__~

*BOOOOMMMMM*

Nagulat kaming lahat sa lakas ng pag bukas ng pinto.

"NASAN DITO SI BRYNA MICHELLE MORALES?" Hay nako! Walang iba kundi Sixth Street, silang tatlo lang ang nandito. Wala nanaman si Franz!

Trip Lang PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon