<<<<<Chapter 1>>>>>
BRYNA MICHELLE MORALES
*RINNNNGGGGGG*
Time check: 5:30 am
"GOOD MORNING!!" Hehehe lagi akong sumisigaw ng ganyan pagkadilat ng mata ko. Para magising talaga ako!!
Agad na akong bumaba ng hagdan para mag breakfast.
"Ate! Nakakainis ka! Lagi na lang ako nagigising sa boses mo!" Reklamo ni Andy, my youngest sister.
Oo nga pala, ako si Bryna Michelle Morales, 2nd year college. Nag-aaral sa paaralan syempre, at ang pangalan ng paaralan na iyon ay GOLDRICH UNIVERSITY. Ang weird nga ng name eh. Pang mayaman talaga kaya di ako nababagay dito. Kaya lang naman ako nakapasok dun dahil sa scholarship. Di kami mahirap di rin mayaman, average lang kumbaga yung may kaya lang. Ang kapatid ko na si Andrea Morales (Andy for short) ay 3rd year highschool, kung san sya nagaaral dun rin ako nagaral nung highschool pa ako. Mabait, matalino, at medyo childish. Kulit nga eh! Ang parents ko naman ay si Fausto Morales at Lindy Morales. Happy family kami, Seldom Quarrel. Nagbibigayan at laging masaya. Osya, balik na tayo sa reyalidad, baka ma-late pa ako ehh.
"Hay nako anak, mas mabuti na yun para meron ka nang alarm clock" Sabi ni nanay.
"Nay, pwede bang alarm nalang walang clock. Clock na ba ako sa paningin nyo? Tao po ako" sabat ko kay nanay.
"Osige na! Kumain na kayo! At baka mahuli pa kayo klase" biglang sumupot si tatay.
"Ikaw po tay? Kain din po" Yaya ko kay tatay.
"Tapos na ako, teka at papagas-an ko lang yung kotse" Sabi ni tatay at umalis na.
Nagtataka ba kayo bakit kami may kotse kami kahit mahirap lang kami? Alright, yung kotse na yun ay Avansa, napanalunan lang namin sa isang raffle draw sa market. 1st prize kami. Kaya lagi na kaming nago-grocery dun, malay mo suwertihin ulit kami dba?
"Osige, mag-ingat ka" sabi ni nanay sabay halik kay tatay, simbolo ng GOODBYE nila.
"Ayiiieeee! Nilalanggam na kami!!" Pang-asar ni Andy.
"Tumigil ka na nga jan!" Nakatawang sita ni nanay.
Finally at tapos na akong kumain. Ginawa ko na ang morning routine ko bago pumasok. Magto-tooth brush, maliligo, magbibihis, magaayos ng sarili and then tapos na!!!
Maya-maya lang ay lumabas na ako ng kwarto. Si Andy nasa baba na. Ako nalang ang hinihintay. BTW, yung bahay namin hindi po malaki. May 2nd floor lang po pero mga ilang steps lang po iyong stair.
"Tara na tay, andito na po si ate!"
At bumyahe na kami patunong paaralan, naunang ibaba si Andy dahil sya ang unang madadaanan. At maya-maya lang ay nandito na ako sa aking paaralan.
"Una na po ako tay, bye po" Pagpapaalam ko kay tatay.
"Cge ingat!"
Agad na akong pumasok sa gate. At ayy---oo nga pala. School fair ngayon. Kaya pala ang daming booths, WOW! Ang ganda! Merong horror house, ferris wheel na ang laki laki, photo booths, basta ang daming booths at mga mini games. Grabe mas maganda ang school fair ngayon kesa last year. Last year kasi puro mini games lang at photo booths di katulad ngayon.
"Hey Bryna-girl!" Ayy kalabaw! Panira naman ng kwento itong si Tiffany at Linsie! Nak ng chu chu naman oh!!
"Oh andyan na pala kayo!" Masayang bati ko sa dalawang bestfriends ko.
Si Tiffany Escanilla at Linsie Soriano ang aking mga bestfriends since elementary. Mayayaman sila, at ako lang ang naiiba sa aming tatlo pero, iba sila. Mabait, Maalalahanin, Friendly at Matulungin. Hindi katulad ng iba dyan na ang tingin saken ay langgam na pwede lang tapakan, porket mayaman sila ang taas taas na ng pride! Hayy. Buti nalang talaga nakila ko 'tong sila Tiffany at Linsie, grade one kami unang nagkakilala nun, magkakaklase kami, magkakatabi. Lagi nga kaming pinapagalitan dahil lagi kaming maingay eh, tawanan ng tawanan! Elementary - College ito parin magka-kaklase parin kami.
"Uy guys! Horror house tayo!" Excited na sabi ni Tiffany.
"Oh my...I'm scared!" Aba teka umi-english si Linsie.
"Wow ha! Nusblis kami Linsie! FilAm lang?" Nangaasar na sabi ni Tiffany.
"Oo, FilAm - Filingerang Americana hahahahaha!" Pambasag ko sa kanila. At nagtawanan naman kami dun sa sinabi ko.
"Teka, bago tayo pumasok sa booth na gusto natin, bili muna tayong popcorn!" Tss si Linsie talaga! Since elementary, popcorn ang madalas baon!
"Fine!"
"Ayy, teka lang pala Bryna ah cr lang kami ni Linsie" sabi ni Tiffany sabay smirk. Teka don't tell me may binabalak itong masama?
I just nodded.
Malalagot talaga tong dalawa pag may ginawa nanamang kalokohan.
Katulad nung highschool kami, lunch time nun sabi nila Tiffany at Linsie tawag daw ako ng Librarian kaya naman pumunta ako dun sinamahan ako nilang dalawa nun. Pagpasok ko sa Library wala yung librarian nilibot ko ang tingin ko at si Mark lang ang nakikita ko. Si Mark, sya yung crush ko nung time na yan hihi. Pero balik sa storya. Sya lang magisa nun sa buong library kaya naman tumingin ako sa likod ko kung nasaan yung dalawang kumag nato niloloko yata ako. Tatanungin ko sana kung nasaan yung librarian kaso biglang nilang sinara yung pinto. Takte! Ni-lock pa nila! 1 oras kaming na-stock sa loob ni Mark buti nalang matagal ang oras ng Lunch Time 1 hour and 30 mnts. Pero di ko pinagsisihan ang araw na yun dahil dun inamin ni Mark na may gusto rin sya saken! Hehehe M.U na nga kami nun eh pero syempre di ko papalagpasin yun, talagang pinagalitan ko yung dalawa with matching hampas pa. Kaya lang parang di sila affected sa ginawa ko dahil mislalo pa nila akong inaasar! Baka daw ano nang ginawa namin dun, at sila daw ang gawin kung ninang! Hay kalokohan talaga ng mga to!!
Dahil nainip ako sa dalawa, bumili muna ako ng cotton candy. Na-miss ko nang kumain neto!! Hehehe. Ang cute nga eh may kulay pa. Pero syempre ang lagi kong binibili ay kulay blue, favorite color ko yun eh!! Hehehe ^_~
Bubuksan ko na sana yung plastic para makain na yung cotton candya pero may biglang nagtakip sa mga mata ko gamit ang isang panyo. Huh? Sino nanaman to?!
"Sino to? Ano ba bitawan nyo nga ako!" Hinahatak nila ako di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga ito sino nanaman ba ito?!
Naramdaman ko namang nagpipigil sila ng tawa! Upakan ko kaya 'tong mga ito? Maya maya lang ay huminto na kami sa paglalakad at tinanggal na nila panyo na nakatali sa mga mata ko. Para kaming nasa simbahan, ang ganda dito may mga paintings ni mama Mary, Jesus, at ni papa Joseph. Nilibot ko ang tingin ko sa kisame dahil ang laki talaga ng lugar na ito. WOW! At pagkatapos kong tumingin sa taas ibinaba ko na ang leeg ko at----what the!! Nakita ko ang isang lalaki na nakatakip din ng panyo sa mga mata nya at inaalalayan maglakad ng dalawang lalaki, at inihinto nila ito sa harap ko! Nagulat din ako ng makita kung may pari na dito. Teka sya yung president ng 4th year dito ah! Bigla namang may itinaas na banner yung tatlong babae di namin kilala, ang nakalagay ay MARRIAGE BOOTH. What the...
"Mga tol, ano nanaman ba ito?" Tanong nung lalaki. Sya yung heartthrob dito sa school ah si Robb Kyle Alvarez.
"Kayong dalawa, malilintikan talaga kayo saken!" Panakot ko sa dalawang kumag, sila pala ang nagdala saken dito!!
Inumpisahan na ang FAKE MARRIAGE na nagaganap ngayon. Parang totoo talaga eh! Kasi naman gusto ko sanang umalis kaya lang hinaharangan ako nung dalawang kumag maski itong si si Kyle hinaharangan din ng dalawa nyang kaibigan.
Ng matapos ang mahabang seremonya, syempre hinabol ko pa talaga yung dalawa di pwedeng palagpasin yun! Nangmahuli ko sila syempre kinausap ko.
"Kayo ha! Bakit nyo ginawa yun?"
"Kasi naman gusto lang namin hanapan ka ng magiging boyfie"
"Oo nga tsaka, di ka pa nagkaka-boyfie since birth."
"Pangalawa na 'to ah! Pag ito nadagdagan pa. Talagang ililibing ko kayo ng buhay!"
"O-opo" sagot nilang dalawa, para silang pinitpit na luya! Hahaha!
***************************
Hi guys! Sana po magustuhan nyo itong chapt. 1 hehehehe!! Thank you po sa mga nag volunteer as a character sa story na ito, si JericaXi, kyootie26, messybananachips, Rika26,mitchtaztic at decemae_15. Sila palang po yung mga nagvolunteer kulang pa nga po eh. Tingnan nyo po yung pinakaunang chapt. nitong story yung characters yung mga walang username dun means wala pang nagvolunteer dun. Hehehe enjoy the story ^_~
~damn_kingdom12
BINABASA MO ANG
Trip Lang Pala
RomansaProlouge Crush na nga lang ang pag-asa ng mga single Tapos IIWAN nyo pa Yung iba papaasahin Yung iba paglalaruan Tss mga PA-FALL! For your information, di kami laruan ok? Subaybayan ang school life ni BRYNA MICHELLE ALVAREZ Isang matinong studya...