Chapter 5

29 2 0
                                    

<<<<<Chapter 5>>>>>

Bryna Michelle Morales

"Oh shit."

Yan ang huling salitang binanggit ni Kyle bago sya mag walk-out at di magpakita ng 3 raw. Shiizzz, cge aaminin ko. Kinilig ako nung time na yun. Di ko nga alam kung bakit ang alam ko lang dapat di ako mag ka gusto sa isang bad boy.

Nakakapanibago lang, araw araw kasi syang pumapasok at walang absent eh, tapos aabsent ng tatlong araw?

"Bryna! Ano't tulala ka dyan sa pagkain mo? Anong oras na oh gisto mo ba ma-late sa klase? Di mo pa nababawasan yang pagkain mo, anak ang pagkain kinakain hindi tinititigan." Sabi ni nanay with matching hampas sa mesa pa yan para magising talaga ang diwa ko.

"Opo nay" nagumpisa na akong kumain. Pagkatapos ay ginawa ko na ang daily routine ko every morning bago pumasok.

Then pumasok na ako.

"Hi Bryna-Girl!" Bati ni Tiffany at Linsie.

"Hello ^_^" maligayang bati ko.

"Ano, kamusta na kayo ni Kyle?" Simula ng malaman nila yung nangyari inaasar na nila ako. Hay.

"Bryna + Kyle = Bryle" paulit paulit nilang sinasabi yan. Hayyy! Wala naman akong memory gap para makalimot bakit kailangan araw araw?

"K" tipid na sagot ko, kakasawa!

Nakita ko namang may nagaayos ng stage. Anong meron ngayon? Bakit nila inaayos ang stage? Meron bang okasyon ngayon? Bayaan na nga! Wakong paki!

Nagumpisa na ang klase, then break time na wala yung teacher namin sa next subject kaya free kami ngayon 1 hr and 30 mnts.

Umupo lang kami sa waiting area malapit sa stage. Nagkwekwentuhan lang. Bakit kaya biglang nawala yung mokong na yun? Aiisshhh >_< bakit ba ako concern sa kanya? Di ko naman sya gusto eh! Pero nakakapagtaka lang anong nangyari dun? Hay! Bryna! Wag na wag mo syang iisipin ok? Wala kang paki dun bayaan mo syang bad boy na yun! Ok? Opo.

"Bryna! Ang lalim ata ng iniisip!" Sabi ni Tiffany.

Pero dapat lang talaga nya akong panindigan! Nasayang tuloy ang first kiss ko sa isang walang kwentang lalaki! Hmmp! Dapat talaga di na ako pumunta!

"Huh? Hindi ah!" Sabi ko.

"Naku nako! Sino yan? Si Kyle noh?" Linsie talaga!

"Hindi nga! Tsaka wakong paki sa mokong na yun!"

"Wala daw paki, ayiieeee! Ang sabihin mo kinikilig ka!"

Bigla namang uminit ang mukha ko at ramdam ko ang pamumula neto!

Kaya naman tumalikod muna ako saglit para di makita ng dalawang kumag ang pamumula ng mukha ko, I'm sure aasarin nanaman ako nyan!

"Ay guys! Cr muna ako ah!" Paalam ko sa kanila.

Pero pinigilan ako no Tiffany.

"Alam mo Bryna-girl! Alam namin kinikilig ka kaya wag na mag deny." Sabi ni Linsie.

"Di nga ako kinikilig." Pinilit kong sumeryoso.

"Eh bakit namumula mukha mo? Ayiiieeee nagba-blush sya!" Sabi nila habang nakahawak sa wrist ko habang hinahatak ako. Nagpupumiglas naman ako.

"Naku! Hindi nga! Mainit lang talaga kaya ako namumu-----

"Bryna Michelle Morales." Nagulat ako ng biglang binanggit ang pangalan ko.

Bigla naman akong napatingin sa likod ko para tumingin sa stage at para makita ko kung sinong tumawag sa pangalan ko....

At nagulat ako ng si Kyle pala yun. Talaga uminit ang mukha ko at namula ako ng sobra, parang kamatis na yata ako! >____<

Trip Lang PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon