Chapter 6

21 3 0
                                    

<<<<<Chapter 6>>>>>

Bryna Michelle Morales

Mukhang masamang impluwensya ito ahh. nagsisinungaling ako para hindi masira ang image ng isa bad boy, hayyyysss! 

"Goodmorning Bryna-girl!" Bati nung dalawang kumag. haaayyyyssssss, kung hindi dahil sa dalawang kumag na 'to hindi ako sisikat sa fb, hindi ako magkakaganito, at magpapatuloy paring tahimik ang buhay ko. Pero kahit ganun, love na love ko parin yang dalawang kumag na yan.

"Goodmorning." bati ko din sa kanila

"Oo nga pala, hinahanap ka ng manliligaw mo kanina ah!" Sabi ni Tiffany

"Manliligaw?" tanong ko

"Oo, yung manliligaw mo na nagpagawa ng stage para lang ipaalam sa lahat na mahal ka nya." namula naman ako sa sinabi ni Linsie, ngayon ko lang na-realize yun ah. pinaayos nga pala nya ang stage para lang i-announce sa lahat na mahal nya ako, pero may kapalit din pala. yung 3 madagascar.

"hayyyyysss, sinong nagsabing manliligaw ko sya?" tanong ko.

"sya." sabay na sagot nila.

"Wait. teka sino ang liligawan ni Kyle?" bigla kaming napahintog maglakad ng biglang may humarang samin, ang 3 madagascar.

"Si Bryna, bakit inggit ka?" Mataray na sabi ni Tiffany. agad ko namang sinita si Tiffany, mislalo lang lala eh.

"Oo nga, kasi mas maganda ang UGALI nya kesa sayo!" Sabi naman ni Linsie. sinita ko rin ito.

Napakunot ang noo ni Sandra at nag walk-out.

"Akala nya ah!" Sabi naman ni Linsie.

"Bakit nyo ginawa yun?" tanong ko sa dalawang kumag.

"Paano inaapi ka, pag ganun dapat lalaban ka. Self-defense din pag may time!" Sabi naman ni Tiffany.

"Alam nyo wala akong time sa mga self-defense na yan, dahil mas lalo lang mapipikon yun and I'm sure hindi yun magpapatalo. Hindi tayo titigilan nyan hangga't hindi yun nakakaganti." Paliwanag ko.

"Wag ka mag-alala Bryna-girl! kami ang bahala sayo, dba Tiffany?"

"Oo naman! kukuyugin namin yung mga yun!"

Natawa naman ako sa mga pinagsasabi nila. "Tara na nga, baka mahuli pa tayo sa klase." 

"Tara!"

Nagumpisa na ang klase. at Lunch na.

"So tara, bundok na ulit tayo!" Sabi ko sa kanila.

"Sure!" Sagot naman nila.

Pagkalabas namin ng gate. nakaabang dun ang Sixth Street. Ano nanaman kayang kailangan nito? Bayaan na nga, di naman ako ang sadya nila eh.

"ehem ehem." nagulat ako ng biglang may kumalabit saken pagkalagpas ko sa kanila.

"Ano?" Tanong ko sa kumalabit saken, si Felix.

Tinuro naman nya si Kyle kaya napatingin ako kay Kyle, bigla namang binuksan ni Kyle ang pintuan ng kanyang kotse at tinuro nya ang kotse. meaning sumakay ako. Tumingin naman ako sa dalawang kasama ko, tumango naman sila nagkakahulugang pinapayagan nila ako.

"Go." bulong ni Linsie saken.

Kaya naman lumakad na ako papunta kay Kyle, pero syempre bago ako pumasok kinausap ko muna sya. Ano yun GLOBE lang ang peg? GO LANG NG GO? tss, hahahaha.

"Ano nanaman 'to?" tanong ko sa kanya. parami na ng parami ang mga tao, ayoko na maging trending nanaman, naglalabasan na kasi ng cellphone yung iba eh para picturan kami.

Trip Lang PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon