"I'm so sorry. Hindi na po mauulit." Hinging paumanhin ni Emperial sa mga magulang.
Palabas na sila ng hospital, kasama ang kanyang Mama at Papa na naggagalaiti pa rin sa galit.
Hindi sinasadya ni Emperial na habang nagmamaneho pauwi ay napapikit siya at hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya. Malapit na siya sa subdivision kung saan uuwi na sana siya sa apartment niya nang hindi sinasadyang makabig niya ang manibela at bumunggo ang sasakyan niya sa gilid ng waiting area na nakatayo sa entrance ng subdivision.
Naimulat niya lang ang mga mata nang tawagin siya ng guard na naka duty non. Tinawagan din nito ang mga magulang niya habang siya ay dinala sa malapit na hospital.
Wala siyang galos sa nangyaring insedenti kaya pwd na siyang lumabas nang gabing yun din.
Sobrang pag aalala ang bumakas sa mukha ng mga magulang niya nang makita siya ng mga ito.
"I think you'd better stay in the house for awhile Hija ." Suhestiyun nang Papa niya na tinanguhan naman nang kanyang Mama.
"Ma.." may sasabihin pa sana siya nang dumating si Chad na humahangos.
"Are you okay? May masakit ba sayu? Nabalian kaba? Baka may amnesia ka na? Naalala mu pa ba ako?" Sunud sunod na tanong ni Chad
Pinitik niya nang mahina ang noo neto. "I'm okay thanks." Nakangiting sabi niya dito.
Nakalabas na sila nang hospital. Si Chad ay nagbyaheng mag isa pauwi at sila Emperial ay sinundo naman ng family driver nila.
"Sa bahay kna matulog ngayung gabi Emperial. At habang nagpapractice pa kayu ng mga kasamahan mu sa school ay sa bahay ka uuwi." Sabi nang Mama niya.
Hindi siya kumibo sa sinabe ng Mama niya. Sa halip ay tumingin lang siya sa labas ng sasakyan.
Babalik na naman siya sa bahay ng mga magulang. Simula ng payagan siyang tumira mag isa ay hindi pa siya nkakauwi sa bahay ng mga magulang niya. Mas madalas na ang mga ito ang bumisita sa kanya.
Nasa tapat na sila sa magarang gate nang bahay ng mga magulang. Ipinasok na ng driver ang sasakyan kaya muling tumambad sa paningin niya ang napakalaking bahay ng mga magulang, sa tamang salita ay mansyon.
Agad siyang sumunod ng lakad sa Papa niya. Nakita niyang nakatayo pa nang maayus ang greenhouse niya na nasa kaliwang banda pati ang kanyang maliit na playground. Ngumiti pa si Jelly nang makitang maayus na nkapwesto sa tabi ang paborito niyang mesa at ang tatlong upuan doon. Hindi pa rin iyun kinakalawang.
"I've missed home." Nasambit niya.
Pagkabukas na pagkabukas ng front door nila ay agad niyang nakita ang mga katulong nila sa bahay na hindi niya nakita nang halos dalwang taon.
"Welcome home little Ma'am!" Pinangungunahan ni Nanny Selba niya ang pagbigkas nun kaya napangiti siya ng pagkalapad lapad.
She's been longing to be home. Natatakot lang siya na baka hindi na siya payagan ng mga magulang na bumalik sa apartment niya.
Ipinahanda nang Mama niya ang dining kaya umakyat siya sa kwarto niya.
Ito ang kwarto kung saan siya umiyak nang umiyak. Ang kwartong ito ang saksi kung paanu siya nagluksa. Kung paanu na niya pinagluksaan ang kanyang nkaraan.She was almost dead by the time before she left this room.
Naihilig ni Emperial ang ulo sa mga naalala. Tuloy tuloy siyang naglakad papasok at agad niyang sinugod ang kanyang walk in closet na kasing laki lang ng kabuuan ng apartment niya. Ngumiti si Jelly ng makitang nkaayus pa rin ang mga gamit niya. Connected ang kwarto niya at ang studio type room niya na naglalaman ng kung anu anung instruments.
BINABASA MO ANG
Shape of My Heart (Completed)
RandomHe was into her that bad. He was a stalker but cannot admit it. Until they finally met. He instantly owned her. Mark her as his territory. Suddenly she has a dark past that cannot admit to him. He who waits until then he found out everything ab...