22. Emperial, how do you define Love?

1.4K 16 2
                                    

Sa sobrang dami ng gawain nila sa school ay npapaisip nalang si Emperial na hindi pumasok sa school.

Activities na pati siya ay todo effort sa pagtulong. Kahit paman sabihin na against yun sa will niya.!

Naghahanda siya ng mga dadalhin sa school ng maalala niyang kailangan niya ring dalhin ang libro niya.

Malapit na rin ang prelims sa school nila. Mabuti nalang din at kahit pagud siya galing sa school ay nagagawa niya pang mag study sa bahay nila.

At napabuti na rin siguro na nkauwi siya sa kanila at kahit papaanu ay may nag aasikaso sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago lumabas ng kwarto niya.

Andon sa baba ang kanyang Mama at hinihintay siyang mag agahan kasabay ang mga magulang niya.

Dahil sa pagbabawal sa kanyang magpakalunod sa kape ay hindi na siya binibigyan pa ng kahit anung klasi ng kape ng katulong nila.

Marahil ay binilinan na ito ng kanyang Papa.

"Good morning po." Malamyang bati niya sa mga magulang na nakaupo na sa dining table.

Nang mkaupo siya sa table ay agad na sinalinan ng mama niya ang plato niya. "Are you sick hija? You look lifeless now" may pag aalala sa boses ng papa niya.

"Pagod lang po ako. Ilang beses kaming pinatakbo ng pinatakbo kagabi. Nakakapagud ding mag warm up tapos tatakbo uli." Kwento niya halatang pagud na pagud siya.

"Well, that's life anak. You should enjoy it for now. Last semester na para mkasali kayu sa mga activities na yan." Sabi namn ng kanyang mama "next semester ay di na kayu mkakasali sa mga events sa school niyu kasi busy na kayu sa practicums niyo."

"Kaya nga po Mama. Nkakalungkot rin lang po na apat lang ang bagong members ng club. I dunno how will they handle the next generations ng image ng school." Sabi niya pa na ikinalungkot niya.

"Bakit ang konti naman? Sabagay sampu lang naman kayu originally sa club niyo." Ang kanyan Papa iyun.

Nagumpisa na silang kumain. Habang nagkekwentohan silang pamilya ay napahinto sa pagsasalita ang kanyang papa ng tumunog ang doorbell nila.

"Manang pasuyo po sa gate." Magalang na sabi ng kanyang mama sa katulong nila.

"May bisita po si Little Ma'am madam." Parang kinikilig ang kanyang Nanny.

"Who?" Tanong ng kanyang Papa.

"Yung manliligaw po niya " sagot ng kanyang Nanny.

"Ang aga ah." Puna naman ng kanyang Papa.

Hindi nman niya mawari kung natutuwa ba ang kanyang Papa o naiinis ito sa araw araw na paghatid sundo sa kanya ni Agon.

"Hayaan muna. Ganyan ka rin noon. Mas maaga kapa nga eh." Natatawang panunukso ng kanyang mama.

"Tsk." Sabi lang ng Papa niya.

Hindi na nagtagal pa si Emperial sa hapag kainan at lumabas na rin. Hindi na rin siya hinatid ng mga ito sa gate nila.

"You look pale Em." Puna ni Agon sa kanya ng mkasakay siya sa sasakyan neto.

"I am just tired." Sagot niya.

At nakakasanayan na rin ni Agon na tawagin siyang Em. Napapagud na siyang itama ang pangalan niya kaya hinahayaan nalang niya iyun.

"Mukha nga. You need to get some rest too. Wag todo effort sa pagpapractice nyu. Masasayang lahat ng pagud mu kapag nagkasakit ka."

"Yeah." Sagot niya at sumandal sa upuan.

Ipinikit ni Emperial ang mga mata. Nahalata naman ni Agon iyun kaya hindi na ito nagtanong pa sa kanya.

Shape of My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon