2

25 9 1
                                    

Loathe : 2

"Nandito na po tayo, Sir."

Bumaba kami ni Dad sa sasakyan. Tiningala ko ang isang malaking bahay na nasa harap. Nasa isang exclusive subdivision ito nakatirik at kanina habang nasa byahe ay nakikita ko ang ilang mga bahay dito.

Among all the houses, this one is the most beautiful yet simple.

Rinig ko ang pagsara ng automatic na gate sa aming likod matapos makapasok ng sasakyan sa parking lot ng bahay.

Malawak ang hardin at may ilang mga bulaklak duon na pamilyar sa akin.

"This way po."

I looked at the girl who welcomed us. Mukhang nagtatrabaho ito dito. Giniya kami nito palapit sa entrada ng bahay.

Walang imik kami pareho ni Dad habang naglalakad. Naaninag ko agad ang hagdan na may apat na baitang pagkatapos ay ang entrada ng bahay. Duon ay nakita ko ang nakapamaywang na si Aedion Delgado.

His eyes immediately darted at mine. Umayos ito ng tayo nang humakbang na kami sa hagdan.

"Aedion."

Nagkamayan ang dalawa bilang batian. Pagod na tumayo ako sa tabi ni Daddy habang pinapanood sila. Sinulyapan ako ni Aedion Delgado isang beses bago kami pinapasok nito sa loob ng bahay.

Bumungad sa mga mata ko ang spanish style ng bahay. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at linis ng loob. At tingin ko ay ganuon din si Daddy.

"This house is great." puri ni Dad matapos umaligid ang mata sa kabuuan ng bahay.

Hindi ako umimik. Kahit alam kong nakatingin na sa akin ngayon si Aedion.

"Thank you, Tito."

"If you don't mind me asking, Aedion. Binigay ba ang bahay na ito sayo ng magulang mo?" Dad suddenly asked.

Sinulyapan ko si Aedion. There he goes his thick eyebrows and dark brooding eyes again. Masyadong delikado. Parang kapag tiningnan mo ang kanyang mga mata ay di ka ligtas.

"No, Tito. Ako po ang nagpundar ng bahay na ito." sagot nya.

Manghang-mangha naman si Daddy sa narinig sa lalake. Hinaplos ko ang likod ng sofa dito sa living room habang naririnig ang papuri ni Daddy sa buong bahay.

"Anyway, Aedion. Hindi na ako magtatagal. Hinatid ko lang talaga itong si Sol dito. May mga aasikasuhin pa ako sa factory."

Dumapo ang tingin ko kay Daddy na malawak ang ngiti habang nakatingin kay Aedion. He's so fond of him.

Tumango si Aedion. "Take care, Tito." aniya.

Tinapik ni Dad ang kaliwang balikat ng lalake. "Ikaw na bahala sa anak ko. Kung may problema ay tawagan mo ko agad." bilin nito.

"I will."

Nagpaalam na si Daddy sakin at hinalikan ako sa pisnge. Ilan pang bilin bago ito umalis na. Pagkalabas nya ay siyang pagdating ng dalawang lalakeng siguro ay nagtatrabaho dito bitbit ang dalawang maleta ko.

LoatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon