Loathe: 8
Kung hindi sya makikipag-cooperate sa gusto ko ay bahala sya. Ako na lang ang gagawa kung ganuon.
Palagi siyang busy sa kanyang trabaho at laging wala sa bahay since ng engagement party. That's actually a good thing since I don't want to see him anyway. Naging abala din ako sa school dahil isang buwan na lang at gagraduate na kami.
"Kumusta naman kayo ng fiancee mo?" tanong ni Aly. Umirap ako.
"Wala."
Kinurot nya ako sa tagiliran. "Alam mo. Kaya pala pamilyar sa akin ang fiancee mo. Nagpunta na pala iyon dito sa school."
Hindi ako kumibo. Paki ko naman. Baka may kafling sya dito na teacher kaya sya nandito.
"Nagdonate kasi siya ng isang building. Ayun oh!" turo nya sa patapos ng building.
"Ang bait ha." panunuya ni Eve. Asan ang mabait duon? Para iyon sa kanyang tax kaya nagdonate sya. Pero di ko iyon isinatinig pa.
Kipkip ko ang aking mga libro sa aking dibdib habang naglalakad kami sa hallway.
"My sister said she knows Aedion Delgado." biglaang sabi ni Eve. Nagtaas ako ng kilay.
"Bakit? Naging ka-fling ng ate mo si Aedion?" tanong ko. Binatukan nya ako.
"Gaga! Hindi noh!" sagot nito. "Pero crush na crush nya iyon noon. Hindi si ate ang naging ka-fling ni Aedion Delgado kundi iyong friend ni ate. "
Sabi na e. "Ang swerte naman. Shet!" bulong ni Aly. Baliw.
"Hindi nagseseryoso sa babae ang fiancee mo sabi ni ate. Noon pa man. Pero madaming nalink sa kanya noon. Hanggang ngayon siguro? Kaya nagulat sya na engaged na iyon at sayo pa!" aniya
Nagkibit balikat ako. "It's not that I like what happened, though. I don't understand why did my father chose a womanizer man like him for me." iling iling kong sabi.
"Maybe because of their family business." biglang saad ni Russ na akala namin ay hindi magsasalita. "Furniture company ang inyo at isa naman sa business ng mga Delgado ay condominium. Maybe that's why."
Tumango tango naman sila Aly at Eve. Hindi ko iyon alam ah. Mahigit isang buwan na akong nakatira sa bahay nya pero ngayon ko lang nalaman na isa pala sa business nila ay condominium.
Sabagay. Tama nga naman. Pwedeng mag cooperate ang dalawang kumpanya since they will benefit from each other.
Gayunpaman ay wala akong pakialam. "Eve." tawag ko sa kaibigan.
"Hmm?"
"Tanong mo na din sa ate mo kung anong tipo ni Aedion."
Kumunot ang noo ni Russel. "Why? Nagugustuhan mo na sya?"
Hinampas ko siya. "Patawa ka. Di noh. Kailangan ko lang malaman kung ano bang klase ng babae ang irereto ko sa kanya."
Ganuon nga ang ginawa ko. Ang sabi ni Eve ay morena, matangkad, slim at malaki ang hinaharap ang kadalasang nakakafling ni Aedion noon. Tinanong ko kung mahaba ba ang buhok o maikli pero ang sabi niya lang ay ayos ang kahit ano.
Dalawang Linggo ang nagdaan na walang improvement sa amin ni Aedion. Kumakain kami ng sabay minsan at minsan ay hindi din. Pero ngayon ay kumakain kami ng sabay.
"You look chirpy." puna nya sa excited kong mukha habang kami ay kumakain.
Nginitian ko siya. "You're not going anywhere right?" I asked. Tumango ito. Pinapanood ako sa aking kasiyahan.