Loathe: 1
Pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkaing nakalatag. Nakaupo ako at ang nasa aking kaliwa ay si Dad habang nasa gilid ko naman si Aedion Delgado. Sa harap naming dalawa ay ang kanyang mga magulang.
Nagsimula na kaming kumain. "Masaya ako na pinaunlakan nyo ang hiling kong dito tayo magdinner sa aming bahay." panimula ni Dad.
"We are willing, Doncio. Besides, we are dying to see your beautiful daughter." Tita Dana smiled at me.
Tumango ang kanyang asawa na si Tito Amando habang nakatitig sa akin. "She looks like her mother." saad nito.
Tipid na ngumiti si Dad at tumango tango. "How old are you, ija?"
Umupo ako ng maayos. "I'm eighteen po."
"So, magka-college na pala itong unica ija mo, Doncio." Tita Dana muttered. "Maganda at bata. Paniguradong maraming manliligaw ito." aniya.
My father sipped on his glass. "Unfortunately, yes." ngisi nito.
"Anong gusto mong kuning course sa college, Sollana?" baling sa akin ni Tito. Tumikhim ako at binaba ang kubyertos. The man beside me shifted on his seat.
Kita ko sa aking peripheral vision na nilingon nya ako. Diretso naman ang tingin ko sa kanyang ama at sumagot. "I'm interested in modeling po. I will take a course related to that." I said.
"Interesting." tango nito. "Where are you going to study then? May mga fashion school naman sa syudad."
Galing sa pag-inom ko ng tubig sa aking baso at pagpunas ng bibig ko ay sumagot ako. "I want to study abroad po."
Nilingon ako ni Dad. We've already talked about it. Wala akong narinig na pag sang-ayon niya.
"Abroad?" nilingon ni Tita Dana ang anak nyang nasa tabi ko. "How about the wedding?" tanong nito kay Dad.
"Well, we can move the wedding date. We can do it this year." suwestyon ng ginang.
Naalerto ako duon. What the hell? Maaga na nga para sa akin kung next year na iyon at ngayon mukhang mas mapapaaga pa?
"No need to rush things po. I'm okay if we will do it next year." I said. Of course I'm not okay with that. Mapa-next year pa man iyan at mas lalong ngayong taon.
I'm just 18! Too young to get married.
Imbes na pakinggan ako ni Dad ay binalingan nya ang katabi ko. "Is that okay with you Aedion if we will move the wedding this year?" tanong ni Dad.
Oh great! Mas inaalala pa niya kung ano ang iisipin ng lalaking ito kaysa sa anak nya? Just great.
Nilingon ko ang katabi ko. Tumaas ang kilay ko sa kanya para ipakitang hindi ako sang-ayon duon. Hindi ko alam kung nagets nya ba ang gusto kong iparating.
Umigting lamang ang panga nito sa akin bago tinapunan ng tingin si Daddy. "I want it soon, Tito."
Fck?
Rinig na rinig ko ang halakhak ni Dad at ni Tito Amando. Di ko tinanggal ang madilim kong titig kay Aedion Delgado. Kaya bumaba ang tingin nito sakin.