Loathe: 3
"Dito na lang."
Tinanggal ko ang seatbelt ko at nilingon siyang tinitingnan ang gate ng aming school.
Nang maramdaman na nakatingin ako sa kanya ay nilingon na nya ako. Namataan ko naman ang dalawa kong kaibigan na nasa gate at parang may hinihintay.
"Labas na ako. Salamat sa paghatid. Sana sa susunod ay si Manong na lang." tukoy ko sa driver nya.
Kumunot ang noo nito pero hindi ko na sya hinayaang makasagot pa dahil lumabas na ako ng kanyang kotse.
Kinawayan ko ang dalawa kong kaibigan na si Russel at Aly. Lumapit naman sila sa akin. Tumagos ang titig nila sa kotseng nasa likod ko.
"Woah. New car?" Aly asked when she saw the car. Nanigas ako dun at tumango na lang.
Nilingon ko ang kotse. Thank goodness it's tinted! Ayaw kong biglain ang mga kaibigan ko. Magugulantang sila kapag nalaman nila iyon ngayon.
Inakbayan ako ni Russel at nginisian. "Aga aga nakasimangot ka." panunuya nito.
Inirapan ko siya at binatukan na lang. Tawa naman ito ng tawa. Napunta ang titig ko sa sasakyan ni Aedion na biglang umandar at humarurot paalis.
Kibit balikat na pumasok na kami sa school.
Tamad na tamad akong pumlakda sa bench habang sumisipsip ng isang orange juice. Katabi ko si Aly na panay ang kwento sa lalakeng di daw tumutulong sa group project nila. Break time namin ngayon at dito kami usually tumatambay sa bench.
Grade 12 na ako at dalawang buwan na lang ay gagraduate na.
"Ayoko pang magbakasyon.." wala sa sariling sambit ko.
"Ha? Noong isang buwan gustong gusto mo na. Tapos ngayon biglang ayaw mo pa?" tanong nya.
Tama sya. Kung sa bagay gustong gusto ko naman talaga pero dahil sa nangyari ay hinihiling kong magextend pa ang klase.
Nagkibit balikat ako at pinanood na lamang ang mga estudyanteng naglalakad. Namataan ko pa ang isang senior high student na babae na may kasamang college student na lalake. Nag-uusap ito nang masinsinan habang naglalakad.
"Alam mo, Sol. Bilib din ako sa mga ganyang relasyon." biglang sabi ni Aly sa tabi ko.
"Ha?"
Nginuso niya ang dalawang tinitingnan ko. "Ang rinig ko ay tatlong taon ang agwat ng dalawang iyan. Pero kita mo at strong ang relationship."
Napatuwid ako ng upo habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Pero ewan ko ha. Hindi talaga ako okay sa ganyan." Nilingon ko siya dahil sa sinabi nya.
"Bakit naman?"
"Nakakatakot ang ganyan, Sol. Paano kung may mahanap na iba iyong lalake? Yung kaedad nya at kalevel nya when it comes to maturity. Edi luhaan itong si ate gurl kung nagkataon."
Nang oras na para bumalik sa aming room ay bumalik na kami. Habang nasa klase ay bumagabag sa isip ko ang sinabi na iyon ni Aly.