Loathe: 4
Maaga akong nagising kinabukasan. Alas sais ng umaga ay gising na ako. Saglit akong natulala bago bumangon para makaligo na. Ala una pa naman ang pasok ko kaya naman naisipan kong magjogging na lang muna sa umaga.
Suot suot ang aking racerback at compression shorts ay lumabas na ako ng aking kwarto.
"Ang aga po ninyo, Ma'am ah?"
Ngumiti ako sa kasambahay. "Gising na ba si Aedion, ate?" tanong ko dito habang nagsstretching."Tulog pa po. Gisingin ko po ba?"
Mabilis akong umiling. Baka pagod sa ginawa nila ng babae kagabi? Whatever.
"Hindi na ate. Kapag hinanap ako, pasabi na lang po na nag-ikot lang." bilin ko. Mabilis itong tumango.
Matapos kong magstretching ay lumabas na ako ng bahay. Nag jogging ako around the subdivision. Diretso lang ang daan na jinogging ko dahil mahina ako sa direksyon. Baka makalimutan ko ang pabalik.
Mabilis akong pinagpawisan. Malaki ang ang subdivision na ito. Tamang tama lang para pag-joggingan.
Hinihingal na tumigil ako sa pagtakbo nang nahagip ng tingin ko ang isang flower shop.
Sarado pa iyon pero hindi ko alam kung bakit nagtagal ang titig ko duon. Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa pagtakbo.
Naaliw ako sa mga nadaanan kong bahay. Magaganda ang disenyo ng mga ito. Iniisip ko pa kung may artista kayang nakatira dito sa subdivision? O kaya naman model? Kasi kung meron ay hindi na iyon nakakagulat.
Dahil sa pagkalibang ko ay hindi ko na namalayan na mahigit dalawang oras na pala akong wala sa bahay.
Bumalik na ako at namataan ko agad si Aedion na nakapamaywang na nag aantay sa entrada ng bahay.
Nang makita nya akong palapit ay tumuwid sya sa pagkakatayo.
Pagkalapit ko ay pinunasan ko ang pawis na lumandas sa leeg ko. Lumandas din ang mata niya duon at mabilis na umiwas at naging pormal.
"Kumain na tayo."
Tumango ako at nauna nang pumasok para makapagpalit muna bago kumain.
Sa hapag ay walang nagsalita sa amin. Mas okay iyon dahil wala naman kaming dapat pag-usapan.
Nang matapos kaming kumain ay pumasok na ako sa kwarto. Umalis si Aedion kaya naisip ko na si Manong June ang maghahatid sa akin sa school.
Alas dose ng tanghali nang ayos na ako. Suot suot ang uniform ay bumaba na ako para tawagin si Manong June. Ang nagmamadaling pagbaba ko ay dahan dahang bumagal nang namataan si Aedion na nakaupo sa mahabang sofa sa living room.
Nakabalik na sya?
Pinanood ako nitong makababa. Tumayo siya kapagkuwan. "Ikaw ang maghahatid sa akin?" tanong ko kahit obvious naman.
"Oo."
"Wala kabang trabaho?" usisa ko.
"Meron." sagot nya. Kung ganun pala ay bakit inihahatid pa nya ako?