Loathe: 5
Kumain kami sa isang kilalang restaurant sa syudad.
"Grabe! Busog na busog ako!" ani Aly pagkatapos naming kumain. Nasa sasakyan na kami ni Russel. Kumpara samin ni Aly, 19 na si Russel at pinayagan na syang magmaneho.
Nasa front seat ako habang si Russel ay nasa driver seat. Nasa backseat naman si Aly na panay puna sa mga masasarap na pagkain sa restaurant.
"Masarap iyong kaldereta! Saka yung isa pang kinain natin." aniya.
"Ang dami mong kinain, Aly. Magtatampurorot yang tyan mo." banta ko sa kanya.
Sinimangutan nya ako. Tumawa naman si Russel. Maya maya lang ay hinampas ni Aly ang likod ng inuupuan ko.
"What?" Nilingon ko siya para alamin kung anong problema nya.
Nakita ko ang kamay ni Aly na nakahawak sa kanyang tyan at tinapunan nya ako ng matalim na titig. Ngumisi ako. "Don't tell me.." hindi ko dinugtungan at humalakhak na.
"You evil witch!" singhal nya sakin kaya tawang tawa na kami ni Russel. "Bilisan mo, Russ!" iritadong sabi nya.
"Oy wag kang uutot ha!" saway ko sa kanya na natatawa pa din. Hinampas muli nya ang likod ng inuupuan ko sa sobrang inis. Namumutla na ito at alam kong sobra na ang pagpipigil nya.
"Bye, Aly! Goodluck!" kinawayan ko siya nang lumabas na ito. She just raised her middle finger and entered their house. Tawang tawa ako dun.
"Di ka kakausapin nun bukas." panunuya ni Russel nang pinaandar na nito ang sasakyan. Inirapan ko lamang sya dahil imposibleng mangyari iyon. Nasa highway na kami at humupa na ang tawa nang may naalala ako.
"Russ.." tawag ko dito.
"Yes?" he asked while his eyes are on the road.
"Drop mo na lang ako sa Mall."
His forehead creased and looked at me then back on the road. "Why? I can drop you to your home, Sol."
Nag-isip agad ako ng dahilan. "I need to buy something, Russ. Mula dun sasakay na lang ako ng taxi para makauwi."
Nagsalubong na ang kilay nya. "No. Gabi na. Baka kung mapano ka."
Inirapan ko sya. "Come on, Russ. Walang mangyayari. I can take care of myself. At saka pa, hindi ba ang paalam mo sa Dad mo ay hanggang 9 lang? Past 9 na, Russ." paalala ko sa kanya at winagayway ko sa kanya ang wrist watch ko.
He sighed. "No. Ihahatid kita sainyo." pinal nitong sabi.
"Russ, kung di mo susundin ang Dad mo baka hindi ka na payagan sa susunod." I reminded him. Mukhang natigilan siya duon.
Ilang saglit na katahimikan bago siya bumuga ng hangin at tumango. "Fine."
Nakangisi na ako. "But you're not going to take a taxi. Magpasundo ka na lang sa driver nyo."
Tumango ako kahit hindi ko iyon gagawin. I don't have Manong June's number nor Aedion's so I will take a taxi later.
Tiningala ko ang Mall nang pinarada na nya saglit ang kanyang sasakyan sa labas.
"Thank you for dropping me here and for the treat. I enjoyed it so much. Ingat ka pauwi."
Tumango siya. Busangot ang mukha. Napataas ang kilay ko duon. "Text me when you got home." aniya.
"Alright. Alright."
Mabilis na pinatakan nya ako ng halik sa noo at halos maestatwa ako duon. "Ingat." he breathed.