©ฅ'ω'ฅ© Two

26 0 0
                                        

»~«

Karen's PoV

"Anong nanaman ang ginawa mo? " Tanong ko sa kanya.

"Wala." Sagot ni mike na may halong pag-aalala.

"Wala ka jan, eh anu yang worried face mong yan. Sunod na kasi, kailangan pa bang may magtulak sayo?"

"Sorry." Lumabas na sya. Same old love quarrel, kahit one-sided. Ang sama ko talaga.

"Hay.. Anong gagawin natin?" Tanong ni Shin. Hmm... Hula ko may pakulo nanaman itong dalawa na ito, lalo na si Renz.

"Hintayin na lang natin sila." Sagot ko.

"Habang naghihintay tayo kainin na lang natin to. Ginawa ko to para lang sayo Karen." Inilabas ni Renz ang isang box na may mini cake. Sabi ko na nga ba eh. Wala na talagang pag-asa ang lalaking ito.

"Bakit hindi?" Pagsang-ayon ni Shin.

"Isipin nyo kaya muna ang sitwasyon natin? Nag-aaway po ang kaibigan natin. Isipin nyo naman ang timing."

"No." Wow ha! Sabay pa tong mga lalaki na to.

"Alin? Akin oh ung kay Shin?" Tanong ni Renz .

"Hindi ba kayo nag-aalala?"

"No!" Wow, selfish bastards.

"Drew hanapin na nga natin sila, nag-aalala na ako." Alok ko kay Drew.

"Sasama kayo?" Tanong ni Drew sa dalawa. Mabuti pa si Drew.

Tumingin muna sila sa isa't isa."Okay, okay sasama na kami."

Nichole's PoV

Hindi ko alam kung bakit ako naiyak. Bakit ako tumakbo paalis? Yung ginawa naman nya kanina ay parang katulad lang ng lagi nyang pang aasar sa akin. Bakit masyado akong madrama? Itong luha na to. Bakit diretsyo ang pagtulo nila? Lutang ngaun ang isip ko kaya walang lumalabas matinong sagot. Basta bumalik na lang ako sa realidad ng may kumapit sa kamay ko at buong lakas akong inikot. 

"Just because of something meaningless like that and you're already crying?" Sabi nya. Medyo nalilito pa rin ako sa nangyayari. Nasa hardin na pala ako.

"Hindi naman kasi ganun un eh *hic*..unang *hic*...unang halik un sakin bukod sa magulang ko at ginawa mo pa yun para lang *hic*.. pagtripan ako. Para saming babae mahalaga ang unang halik." Mahirap palang magsalita habang naiyak. Parang may bumabara sa lalamunan ko.

"It was also my first you know?"

"Ha?"

"Nothing. I was just playing with you. I've been doing things like pranking you for a long time and you still haven't gotten used to it? I didn't think you'll be this mad, Sorry na, there was really something in your face." Wait! Ang bilis mo magsalita. Lutang pa isip ko.

"Ano?"

"Slow." Sya na nga may kasalanan ako pa pinulaan. Kinapitan nya mukha ko gamit ang kanan nyang kamay tapos pinunasan nya mata ko gamit ang neck tie nya.

"Ahh! Nakita din namin kayo. Ano nangyari?" Nagulat si Mike kaya binitawan nya ung mukha ko.

"Nich, okay?" Tanong ni Drew.Si Drew ang pinaka tahimik sa barkada namin hindi naman bibihira sya magsalita pero kokonti lang ang sinasabi nya. Pero alam ko na kilala ko sya na pwede kaming tawagin close.

"Tayo na Karen, malate pa tayo sa klase." Hinila ko na sya papasok ng school.

"Okay." Nalilito syang sumunod sa akin.

~Evening~ Sa dormitory

"Anong nangayari?" Pag-uusisa ni Karen.

"Pangyayaring hindi kailangang usisain." Sagot ko.

"Hindi kailangan usisain? Eh alam mo naman kaibigan mo ko dapat hindi mo ako pinag tataguan ng mga ganyang bagay." Kasama ang mala-drama nyang mukha. Grabe talaga ang babae na to.

"Oo na. Sheesh, sekreto lang natin ito ah. Okay?"

Ang nabuhayan ang mukha nya. Ang muka ng babae na to, ang hilig sa chismis.

"Uhm.. Pano ko ba sasabihin to? Hinalikan ako ni Mike sa pisngi pero para sa kanya prank lang un? Or pwedeng aksidente or.." Tiningnan ko si Karen at nakabuka ang bibig nya.

"Ano? Seryoso ka ba!?"

"Pero kung iisip ko nga naman. Walang matibay na rason para halikan nya ako with romantic feelings, pwedeng halik sa pisngi ng isang kaibigan.  At kaya hindi mo nasaksihan ang pangyayari ay dahil sa busy ka sa minamahal mong Shin." Pumula na agad ng mukha ni Karen.

"Hindi naman." Tanggi ni Karen. Ang cute nya pag nag blublush sya. Sorry mahilig din akong mang bully.

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin ang tunay na nararamdaman mo?"

"Hindi pwede. Pano na lang si Renz?" Hindi dapat dahilan yun.

"So.. Isasakripisyo mo na lang kaligayahan mo?"

"Eh kayong dalawa ni Mike ano namamagitan sa inyo?" Ano konek?

"Ha? Anong namamagitan? Wala po teh." Sa wala eh ano naman magagawa ko, baka naman sya ang may gusto.

"Bakit kami magkakarelasyon eh lagi kami nag-aaway?"

"Ewan ko?" at nagkibit balikat na lang sya. Nakakapagod din itong araw na to. Good night.

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

VoTe

CoMMeNT

SHaRe

Unexpected within Reality [Underconstruction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon