Nichole's PoV
Dang, i'm so in trouble. I should have just let myself get killed by those guys.
And that was just me and my exaggeration. He just wanted a drink. Pero bago kami pumunta sa kung saan man kami pupunta nagpalit muna ako ng damit. Dress. Libre nya, aba wala akong dalang pera kundi 100.
*Flashback
"Huy, ung damit ko, basa" sabi ko habang hinihila nya ako.
Tumigil sya at tinitigan ako. Kumaliwa sya at dumertsyo kami sa isang bilihan ng damit.
"What would you couple want to buy?" Sabi nung babaeng tindera.
"Huh? Eh hindi po kami couple, bibili lang po kami ng damit" sabi ko dun sa babae.
"Ahh, sayang bagay pa naman po kayo, pili na lang po kayo" sabi nung babae.
Lumapit sya sa mga damit at namili. At aakalain mo na bakla itong si kuya dahil ang daming alam sa damit ng babae. Naku kung ibang lalaki yan kukuha na lang(wala pang tinginan) tapos un na, kahit hindi bagay. (Kala mo naman marunong)
Pinasuot nya sa akin ang isang dress, light blue with frills and ribbons, ng makita ko ang itsura ko halos ayaw ko na lumabas.
"Mam, okay lang po kayo jan?" Tanong nung nag aassist sa amin. Sobrang tagal ko na sa loob.
"Uhmm.. ung sunod na lang po, ang pangit eh" nahihiyang sabi ko.
"Ha? Maganda kaya po un, bagay sa inyo." at bigla namang pumasok sya sa loob at hinila ako palabas.
"Sir, ang galing nyo po pumili, bagay na bagay" sabi nung nag aasist.
"Try the next one" sabi ni kuya
Naka 10 damit ata kami at sya ang taga judge. Pero ang kinuha nya ay yung pinaka una nyang pinili, ung seryoso, pinahirapan lang ata ako nito magsuot eh. Nilubos na nya pati sapatos at accessories. At ng masuot ko na lahat ng binili nya pinaupo nya ako sa isang upuan sa loob. Hinaplos nya ang buhok ko. Wow. Ang sarap sa pakiramdam. A ng tanggalin nya ang kamay nya. Pinaharap nya ako sa isang mahabang salamin. Wow, just wow. Ang galing nya. Ako ba to?
At ngayon hila-hila ako (against my will) sa isang cafe. Lucky for him, I have money on me.
Dang, doesn't he know that money can't be touched that easily. Para sa mahihirap na katulad ko. Ginto na ang bente.
Nang pumasok na kami sa loob napansin ko na ang ganda ng interior design. It gives you the feeling like your in your cozy home and also the feeling like you have entered a grand cafe exclusive for rich people only.
Ng makita ko ang presyo ng mga pag kain, halos mapatay ko na ang may ari. Isang slice of cake yung pinaka maliit ha, ay nagkakahalaga ng 100 pesos. At yung pinaka mahal ay 500 na dalawang 100 lang ang sukat.
Oo nga pala 'drinks' lang ung sabi nya. I glanced at him, hindi pa din ako makapaniwala na may ganito ka gwapong lalake.
"Two deluxe chocolate cake and two parfait soda cream" Sabi nya sa babae sa counter.
Huh? Ung cake ay nagkakahalaga ng 250 EACH! At ung parfait naman ay 135 EACH! Eh, dalwa ang inorder nya. 500 for the cake and 270 for the parfait. All in all 770! Eh 100 lang ang dala ko!
Pano na yan?
"Uhmm.. ano.. kuyang gwapo.. eh 100 lang po ang dala ko." Nahihiyang sabi ko.
Hindi sya nagsalita. Naglakad lang sya papunta sa isang bakanteng table. Snob. Pumunta ako sa lamesa na pinili nya at umupo sa harap nya.
"Hoy, kuya wala po akong pambayad sa binili mo" inis na sabi ko.
Ung seryoso hindi ba ako kakausapin nito?
"Here's your order" the waitress said.
"Thanks" I answered after she finished placing the food in front of us.
"it's on me" sabi nya habang tinitira ang cake na pinili nya.
Libre. Okay, sabi nya eh.
Habang nasubo ako ng cake naramdaman ko na may nakatitig sa akin.
Tingin sa likod.
Tingin sa kanan.
Tingin sa kaliwa.
Wala naman.
Tingin sa harap.
Oh! Em! Gi!
Si kuya nakatingin sa akin. Oh! Oo nga pala hindi ko pa alam pangalan ni kuya. Pero nakakahiya lalo at nakatingin sya sa akin. Pero dapat malaman ko tinulungan nya ako kanina eh.
"Uhm.. kuya, ano po pangalan nyo?" Nahihiyang tanong ko.
"Ken Frex Wizardz" sabi nya habang nakatingin pa rin sa akin
" Nichole Ann Hernandez, by the way" sabi ko at inabot sa kanya ang aking kamay.
We shook hands. Matapos un nakipag kwentuhan lang sya. More like interrogation nga lang.
Tinanong nya kung saan ako nakatira, school etc. Okay lang naman sabihin dahil hindi naman sya taga doon at parang hindi naman sya masama.
"May boyfriend kana?" Tanong nya.
"Huh?!--" Bago pa ako makasagot tumunog ang cell phone ko. Tumatawag si mike.
"Sorry, I need to take this" tumayo ako at pumunta sa CR.
"Oh problema mo" pangbungad ko sa kanya.
"NASAN KA NA?!" Sigaw nya
"Kung makasigaw ito parang walang bukas ah" sabi ko.
"Nasan ka nga!! I'm so damn worried. Don't you know?" Sabi nya
"Nasa isang cafe ako malapit sa dalampasigan. Public area ata to." Sagot ko
"Lumabas ka jan" utos nya.
"Aba, ayaw ko nga"
"Ugh, tigas ng ulo"
*toot, toot, toot*
Aba sya pa may ganang patayan ako. Hmp. Bahala sya sa buhay nya. Bumalik na ako sa kinauupuan namin ni Ken. Pero bago pa ako mapaupo hinila ako ng isang lalaki palabas ng cafe.
₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪¤₪
Cliffhanger muna tayo... haha
Alam ko naman na alam nyo na kung sino ung humila.
Date finished: October 26, 2014 (kung may internet lang sana dito sa bahay ng lola... why?!)
Whoooo!!! May pocket wifi na dala ang pinsan!!!
Vote!
Comment!
Date uploaded: October 28, 2014
![Unexpected within Reality [Underconstruction]](https://img.wattpad.com/cover/8404854-64-k193171.jpg)