Nichole's PoV
*Moan* Aray ang sakit ng katawan ko. Matulog ba naman sa salas. Wala pa rin sila Mike. Wala pa ung mga sapatos nila. Lumabas ang mga boys kahapon dahil may "guy's night" daw sila. Hmp. If I know, mambababae or mag-iinom lang ang mga un. Kung yun nga? Argh.. it's already the 4th day at hindi ko pa din alam ang sagot.
Malapit na ang araw na matatapos ang palugit sa akin ni mike ano ang sasabihin ko. Gusto ko ng opinyon ng iba. Pero si Kyoko lang ang pwede kong tanungin ngayon. Pero wala din namang kaalam alam un sa ganito. Hindi nga nya din masulusyunan ung kanya, nabawasan na nga pala problema nito dahil sa sinabi ni Renz, ano kaya ang pumasok sa isip ng lalaki na un at sinabi nya un?
Hay... buhay naming magbestfriend ah.
*Sigh* Bahala na si Batman, tatanungin ko na din si Kyoko. Ui sakto kakadaan lang galing sa kwarto nya.
"kyoko mahal ko ba si mike?" seriyosong tanong ko kay kyoko, wala naman ang mga lalaki dito.
"abay malay ko sayo" sabi nya
" kyoko malapit ng maubos ang oras ko bigyan mo na ako ng idea" nagmamakaawang sabi ko
"anak ng palaka naman oh problemado na nga ako kay renz at shin dadagdag ka pa" reklamo ni kyoko.
"Hindi naman to magtatagal at diba wala ka nang problema kay Renz."
"Fine, lagi mo ba syang iniisip?"
"pano ko ba sya hindi iisipin ay naprepresure ako"sabi ko
"pag kausap mo sya, sya lang ang nakikita mo" dagdag nya
"alangan naman na tumingin ako sa iba kung kausap ko sya"
"at ang huli masaya ka ba pag kasama sya"
"...."
"haha no comment ka, mahal mo nga sya. At barahin ba naman ako. Tsk. Sya na nga ang tinutulungan." pang aasar sa akin ni kyoko
"hindi kaya, impossible, never in a million years, " sabi ko
"aruy tanggi pa pakitingnan nga muna ng mukha mo sa salimin"
Ano naman ang gagawin ko, may gusto ba talaga ako sa kanya o wala arghhh naguguluhan ako, bahala na.
Hm.. nagtataka ba kayo kung ano ang nangyari sa amin nila Ken. Hm... let's say dumami ang bagahe ko. Un lang. Hindi rin naman kasi nagtagal ang pag-uusap namin ni Ken dahil may aayusin pa daw syang transfer files chu-chu. Ewan ko kung ano un.
Kinabukasan wala pa rin akong sagot at umuwi na ang mga nag "guy's night". I hate myself. Pagkababa ko sa kusina. Ano ang pag kain dit--
PUTEK NA.
Sino ba itong nahila sa akin hindi na naawa?
Kinaladkad nya ako papunta sa dagat.Sino ang baliw na dumala sa akin dito ang lamig lamig pa dahil hindi pa nasikat ang araw?
Nanghumarap na ako sa kanya hindi maipinta ang mukha ni..
"Uhmm.. ano.... anong ginagawa ko dito?" Whaaaa! Anong nangyayari sa vocabolary ko!! Anong klaseng tanong un!
"Edi nakatayo. Anong klaseng tanong yan?" Sabi ni Nerve-head.
Yosh! May bagong nickname si Mike. Nerve-head tutal naman mahilig syang magalit at laging nalabas ang nerve nya, '+' parang plus sign ang itsura sa top part ng ulo.
"Kinaladkad mo ako dito tapos ganyan ang ugali mo. Pakamatay ka na."
"May dala ka bang gadget or bawal mabasa?"
"Wala."
And in a blink of an eye. Binuhat ako ni Mike (princess style) papunta sa dagat.
"Mikeeee ano ba!? Ang lamig pa kayaaa.."
Hindi nya ako pinansin at nagdire-diretsyo lang. Ng medyo malalim na kami tinubog nya ako. Crap. I forgot about that. Hindi ako marunong lumangoy kaya ayaw ko sa dagat.
"Bibitawan na ki--"
"Don't you even dare" at niyapos ko sya. Nakakapit sya sa may likod ko. Abot ko naman ang lupa, natatakot lang ako na baka mapapunta ako sa malalim.
"Hindi naman malalim eh"
"I don't care! Papano kung lumakas ang alon tapos madadala ako papunta sa malalim!?"
"Imposible--, kaya pala ayaw mo dito nung una..*chuckle*"
"Ibabalik na kita" dagdag ni Mike
"Wait, mayamaya naman" crap, what am I talking about. Ano ba to!? Bakit kasi parang ang sarap kasama ni Mike ngayon.
"Matagal na akong hindi nakakapunta dito. Why not stay for a while" what!! Anong stay for a while ang sinasabi mo?! Diba takot ka sa dagat, nababaliw ka na ba talaga.
"Okay.."
"So, uhmm.. mag-salita ka naman" sabi ko.
"On second thought, balik na tayo" Sabi nya at nag-simula ng maglakad papunta sa dalampasigan.
<><><><><><><>
Date Updated: January 31, 2015
![Unexpected within Reality [Underconstruction]](https://img.wattpad.com/cover/8404854-64-k193171.jpg)