©ฅ'ω'ฅ© Eighteen

11 0 0
                                        

Nichole's PoV

Ang lamig ng simoy ng hangin. Umupo ako at nag unat unat. Tumingin ako sa gilid ko at tulog pa si Mike. Lumapit ako tapos umupo sa harap ng mukha nya. Tinitigan ko lang sya.

"mornin' " Sabi nya na hindi nakamulat.

"I know I'm handsome but don't stare too much. " He added while his eyes still closed.

"huh? Wag ka assuming. Tumutulo laway mo, pagtatawanan sana kita" Sabi ko

*chuu~(sound of a smack)

Bigla akong lumayo sa kanya at kinapitan ang labi ko.

"pr-problema mo" Tanong ko

"Ikaw, mahal na mahal kasi kita" Sabi nya

"Hindi talaga magandang biro yan" Sabi ko

"Do you think I'm joking?"

Tiningnan ko sya sa mukha. Seryoso sya sa sinabi nya, ata?? Pe-pero, baka niloloko nanaman nya ako.

"e-ewan ko! Hindi ko alam"

Tatayo na sana ako kaso bigla naman nya akong niyapos.

"mi-mike... Ui... bitiwan m-mo ko"

Pinatong nya ang kanyang ulo sa balikat ko. Ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko.

"hmm... mamaya... inaantok pa ako" Sabi nya

"pwe-pwede naman na sa kama ka humiga"

"Ayaw ko"

Ilang minuto din kaming naka ganun. At tumayo na sya at naglakad sa isa sa mga cabinet dito sa kwarto. May roon lang syang kinuha at bumalik sa pwesto ko.

"tumalikod ka" Utos nya na syang sinunod ko naman. Naramdaman ko na may mahaba at malamig na bagay ang dumampi sa aking balat. Nang kapain ko to isa syang kwintas na pendant. Nang buksan ko yun nakita ko ang picture naming dalawa na masaya. At nakalagay dun ang mga salitang 'Mahal kita'

"Hindi ko muna kailangan ang sagot mo, i'll give you time to think about this." Sabi nya at hinila na nya ako sa kusina.

Medyo tulala pa din ako sa nangyari at hindi ko namalayan na nasa dalampasigan na pala kami. Naglatag sya ng tela na nagsilbing upuan namin.

"Pahiga" At humiga sya ng hindi man lang ako nakasagot. Tinitigan nya ako sa mata.

"Hindi talaga ako nagloloko, Nich" Sabi nya sa akin habag kapit kapit ang isa sa pisngi ko.

"E-ewan ko sayo" At nagiwas ako ng tingin.

Pakiramdam ko ang saya ko na kinakabahan? Bakit ako masaya? Bakit ako kinakabahan? Ughh. Kumuha ako ng sandwich na ginawa namin kanina. Kinagatan ko yon at nginuya.

Bigla naman niyang kinuha ang braso ko at sinubo ang sandwich na hawak ko.

"Akin yun. Nakagat ko na un eh. Ang dami pa kaya" Nag mamaktol kong sabi.

"Eh gusto ko ung kinagatan mo eh, indirect kiss"

Ramdam ko na uminit ang mukha ko.

"Ewan ko sa--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong binuhat na parang sako at dinala sa dagat. Bute na lang at ang suot ko ngayon ay short at sando pero, ang lalim ng pinupuntahan namin.

"Whaaaa!! Ibalik mo ako dun!!!" Sigaw ko.

"Haha, no way. I'm enjoying the view."

"Uwaaaa!! Seryoso ako!! Iiyak ako!!" Sigaw ko

"Ang iyakin mo naman"

"Ugh.." Nagsimula nang mag unahan ang luha ko. Hindi ko na napigilan.

Dali dali nya akong dinala sa dalampasigan. ".. sorry..."

Tumakbo ako papalayo pero hindi sa villa ako pumunta. Susundan nya sana ako kaso biglang nga ring ang phone nya kaya hindi na nya ako nasundan.

Malayo na ako sa Villa nila Mike pero nasa may tabing dagat pa din. Public place na ata to. May konting tao eh.

"Hey miss, mag isa ka lang? Gusto mo sumama sa amin?" Sabi ng isang lalaki na kalbo, tan at madaming tattoo. Don't tell me na basagulero to.

"May kasama po ako, ah ...*hanap sa paligid ng tao* ah! Ayun pong lalaki na yun kasama ko" Malapit lang sa amin yung lalaki kaya sya na lang. Hula ko kasing edad lang sya ni Shin. Hinawakan ko ang braso nya at hinarap sa kanila.

"What the! " sabi nung lalaki na kinapitan ko sa braso.

"Shh! Sumakay ka na lang. Magpapaliwanag ako mamaya" Bulong ko sa binata.

"Ah.. ga-ganun ba? Sige a-alis na kami." Namutla ang mukha nung tan na gangster at tumakbo pa alis.

Huh? Pangit ba si kuya? Hindi ko nakita mukha nya eh. Nakatalikod kanina.

"Care to explain?" Tanong nya.

Humarap ako sa kanya at muntikan ng lumuwa ang mata ko sa nakikita ko.

Ang GWAPO!! Pinaghalo halong Takumi Usi, Kei Takashima, Tomoe, at lahat ng gwapong nilalalang sa mundo ng anime.

"Ehem, don't make me wait." Sabi nya.

"Sorry, ung lalaki kasi kanina mukhang basagulero na namimik up mahirap tangihan sa salita lamang kaya sinabi ko na may kasama ako, at mukhang gumana naman. Salamat" Nag bow ako at akmang lalayas kaso kinapitan nya ako sa braso.

"Where do you think your going?" Tanong nya.

"Ahh... uuwi?" Sabi ko.

"Mahal ang talent fee ko" Sabi nya at bigla na lang syang ngumisi na para bang may balak na masama. Paktay, malaking gulo ata ang napasok ko.

(っ╥﹏╥)っ(っ╥﹏╥)っ(っ╥﹏╥)っ

A/n: Sorry alam kong sabaw ang chapter na to. Yung picture nga pala ay yung hinila ni Nich. Ang gwapo!!!

V! C! S! F!

Unexpected within Reality [Underconstruction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon