»~«
Nichole's PoV
~Rooftop, Lunch Time~
Sinundan ko sya papunta sa rooftop ng school. Ano ba problema nito? At may walk-out effect pa na nalalaman. Pagka-akyat ko sa rooftop tinanung ko kung ano ang problema nya. Lagi na lang mainit ang ulo. Pati ako nadadamay.
"It's nothing." Tipid na sagot ni mainitin ang ulo. Iwanan ko na nga lang ito sasakit lang ang ulo ko.
"Kung wala ka naman pa lang problema edi. Bye bye." Pa alis na ako ng bigla na lang niya akong NIYAKAP.
"Hoy hindi ako teddy bear na pwedeng yakapin kahit kailan mo gusto." Sabi ko sa kanya. Ano ba ang nangyayari dito at nangyayakap na lang ng bigla?
"Please... just for a while." Nanginginig nyang hiling.
"Bakit?" Tanong ko.
"Please..." Bakit ito nanginginig, naiyak ba to. Ang napaka arrogant na taong kilala ko naiyak?! That's impossible!! May mahabang katahimikan ang bumalot sa hangin. Nanginginig pa din sya, baka nga umiiyak? Hindi ko alam na ganito pala si Mike kahina. Si Mike pa ba ito?
"Are you crying?" Tanong ko.
"Ako!! Iiyak...(silence)...umuwi na nga tayo."
Hindi nya man lang ako kinakausap kahit sa sasakyan at hangang ngaun nanginginig parin sya. Ano ba ang nangyari sa kanya? Dahil sa pag aalala ko tinanong ko ang head maid kung bakit sya parang takot na takot, ang sabi nya nung nakilala daw ako ni Mike hindi na daw sya nag kaganito.
Anu ba talaga nangyari? Kaya daw si Mike ay nagkakaganyan ay dahil sa iniwan sya ng nanay niya nung maliit pa daw siya. Ang dahilan daw kung bakit umalis ang nanay ni Mike ay dahil daw sa buhay dito, ang sinisisi daw ng grandparents ni Mike sa father side ay ang nanay nya dahil kung hindi daw pina uwi ni Evelyn[Mother] si Luke [Father] ay hindi daw sya makakasama sa plane crash na nangyari 8 years ang nakakaraan.
Nung naging grade six na daw si mike iniwan na sya ng mama niya, ang iniwan lang daw sa kanya ng mama nya ay isang music box. Dahil sa isa akong air head -____- oo inaamin ko na isa akong air head, eh sa air head yung tao!!
Okay back to the topic, dahil sa air head ako na paiyak ko. Dahil sa hindi ko alam kung papaano ko kakausapin si Mike pumunta na lang ako sa kanya at yinapos. Niyapos nya ako ng mahigpit para syang bata.
"Hindi ako aalis so wag mo akong patayin sa yakap mo."
Mahabang panahon na din ang lumipas nung huli syang ngumiti.
"Bakit mo nga pala na alala ung plane crash? Sabi ni Marie [nalaman ko na din sa wakas] nakalimutan mu na daw yun."
"Dahil makitid ang isip ko." Bulong ni Mike.
"Ha?" Anong connection nun?
"You're such an air head." Oo alam ko na yan inamin ko na nga kanina eh. Matapos ang ilang minuto nakatulog na din si Mike nakakatawa syang matulog parang bata.
Pagtripan nga natin, pinoke poke ko ung pisngi nya at bigla nya na lang sinabi "I love.. nic" After ng ilang minuto nag sink in na ung sinabi nya.
I love you who?! Sino si Nic, si nic nack ba un? Okay waley na.
* doki, doki, doki *
Bakit natibok ng mabilis ang puso ko. Baka kinakabahan lang ako, kung ano anu kasi sinasabi nito!
Third person's PoV
Nang magising na si Mike ng kalahatin oras nakita niya na natutulog sya sa braso ng naka upong tulog na si Nichole. Nagulat sya ng makitang magkaholding hands sila.
![Unexpected within Reality [Underconstruction]](https://img.wattpad.com/cover/8404854-64-k193171.jpg)