SUNNY DAYURI (SUNDAY) POV
Dalawang araw na panay Ang Tawag sakin ni Shep,pero Hindi ko sya sinasagot ayoko parin syang Makita ngayon. Alam Kong sobrang drama ko at nag iinarte na ako na Parang Babae pero sa kwentong to ako Yung lalake samin... dahil Sabi nga nila real men cry.
Pero naisip ko umiyak din pala sya. At Maya Maya ay bigla na Naman nag ring Ang Cellphone Kong makaluma na hanggang ngayon ay di ko parin mapalitan. Kasi stick to one ako Hindi ako katulad Ng electric fan na lumilingon sa iba at mas Lalong Hindi Rin ako nag Lalaro ng basketball dahil Hindi Naman ako nambobola at Hindi ako daga para pag Wala Ang pusa nakikipag laro sa iba.
Bakit Kasi ganito Ang nangyari samin?. Tama ba Ang kasabihan na 'The more you hate The more you love' pero baka Naman The more you hate The more you love the more na Nasasaktan ka din.
Napa buntong hininga na Lang ako habang naka upo sa labas Ng bahay dito sa puno ng paper tree dahil malamig dito at malakas Ang hangin. "Anak! Hindi ka parin ba papasok?...baka Naman tanggalin ka Nyan sa trabaho" Sabi ni Nanay sakin habang nag wawalis sa bakuran.
"Nay Naman ...Hayaan mo na Lang mag hahanap na Lang ako Ng ibang mapapasukan...mag reresign na ako" Sabi ko Kay Nanay. At agad syang lumapit sakin at umupo sa tabi ko. "Anak mag isip ka muna padalos dalos ka eh" Sabi ni Nanay at tumawa Naman ako mg mahina.
"Bakit ka tumatawa anak? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Tanong Ni Nanay sakin. "Nay biro Lang Po Yun nag paalam Po ako na mag leave muna ako mg one week Kaya okey Lang na Hindi ako pumasok Nay wag na kayong mag alala" Sabi ko sa kanya.
At agad akong pinalo no Nanay sa braso ko. "Aray! Nay Naman oh Hindi ka na mabiro" Sabi ko Kay Nanay habang naka ngiti.
"Aba! Hindi magandang biro yang ginagawa mo Anak Kaya dapat pinapalo ka pa sa pwet para mag tanda ka eh" Sabi ni Nanay sakin Sabay kuha ng Walis nya."Nay Naman hahaha joke Lang Po Yun Nay wag na kayong magalit tumatanda kaagad kayo eh" Sabi ko kay Nanay. "Ah Kung Ganun mukha na akong gurang para sayo Ganun ba Yun Sunny Dayuri Martinez!?" Sabi ni Nanay habang naka pamewang pa sya.
At napa Tawa ako Ng Peke dahil pag ganitong sinabi na ni Nanay Ang pangalan ko Ng buo siguradong Palo Ang aabutin ko.
"Nay Naman wag Naman Po kayong ganyan kagagaling ko Lang sa break up Nay wag nyo Naman Po ako paiyakin uli" Sabi ko Kay Nanay.At Maya Maya at huminto sya at saka binaba Ang walis na hawak nya at saka humalakhak Ng malakas. Nabaliw na ba si Nanay?. "Nay bakit ka tumatawa Nay?" Tanong ko Kay Nanay. "Anak Kung nakita mo Lang Yung itsura mo Kanina matatawa ka din biro Lang Yun Anak dalaga Este binata ka na Anak Kaya Hindi Kita papaluin sa pwet nakakahiya Naman Yun" Sabi ni Nanay habang tumatawa.
"Si Nanay talaga sayo ako mag mana Ng ugali Nay" Sabi ko Kay Nanay at saka ko sya niyakap at Sabay kaming tumawa na Parang mga timang Lang. Nag kwentuhan Lang kami ni Nanay Ng Kung Ano anong mga Bagay katulad nung Bata ako lahat Ng nakakatawang bagay.
Ang sarap balikan Yung mga nagyari nun. Naisip ko tuloy Yung mga bangayan namin ni Shep nung unang pasok ko sa kumpanya nya at Yung pag iirap nya na nakuha ko na dahil Ang totoo nacucutetan ako pag ginagawa nya yun Alam nyo Yung para syang bata Kung umasta.
Di ko Alam tulala na pala akong naka ngiti. "Iniisip mo Naman si Shep anak no?" Tanong nya sakin at saka ako natauhan. "Hindi Nay naka ngiti Lang ako sya na agad iniisip ko? Alam Kong gwapo sya,cute pero Hindi ko sya iniisip Nay" Sabi ko Kay Nanay.
Napatawa si Nanay . "Oh sige na Hindi mo na sya iniisip kahit na ang Totoo sya Naman talaga Ang iniisip mo sige na Hindi na sya" Sabi ni Nanay at napa iling na lang ako dahil sa inaasta Ni Nanay Parang sya pa tong kinikilig eh.
YOU ARE READING
IM INTO YOU [BXB] Completed
General FictionMahirap ang buhay ni Sunday kung saan pagkatapos nya ang pag aaral ay agad syang nag hanap ng papasukang trabaho, ngunit sa lahat ng pinag bigyan nya ng resume ay walang tumawag sa kanya. Mahirap man ay iniisip nya ang kanyang ina na bumubuhay s aka...