CHAPTER 17-With him

2.7K 69 1
                                    

Kanina pa nagkwe kwentohan sina mama,tita,papa,tito pati narin sina kuya at si Park Han.Kanina pa rin ako hindi umiimik.Hindi parin talaga ako makapaniwala na si Ethan na childhood friend ko ay si Park Han na crush ko.

"May problema ba anak? kanina kapa hindi nagsasalita"sambit ni mama kaya napatingin sila saamin.

"Wala po"sagot ko

8:00 pm na pero andito parin kami sa restaurant,nakakatulog na talaga ako kanina pa pero ayaw ko naman sabihin.Nakakahiya naman kasi na ngayon lang uli nagkita kita tapos uuwi na kami kaagad ng dahil saakin.

Tumayo si kuya"Excuse me po,pwede po ba na mauna na po ako,may pupuntahan lang po kami ng gf ko"aniya

"May girlfriend na pala si panganay ah..sige,punta kana baka makipag break pa sayo kung hindi mo siya puntahan"sabi ni tita na kinatawa naming lahat.

Seriously? May pagka childish pala si tita.

"Thank you po tita,sige po mauna na po ako.Jonathan yang kapatid ko ingatan mo ha"Anong ibig niyang sabihin? Ingatan daw,kung ano ano talaga sinasabi ni kuya.

"Sige,babye"paalam nila kay kuya.Nang makalabas na siya ay saaming dalawa naman yung tingin nila.

"Oh...kayo baka gusto niyo ring mamasyal? Mamasyal muna kayo basta hanggang 10:00pm lang"sambit ni tita na kinagulat ko.

Parang nahihiya ako sa kanya ngayon pero kanina naman nung nagkita kami hindi eh.Siguro ito na yung sinasabi kong awkward.

Hindi ko alam kung papayag ako o hindi..pero kasi chance ko na siyang makasama kahit saglit pero sa tingin ko mas awkward kapag kasama ko siya.

"Sige po"aniya na kinalaki ng mata ko,pumayag siya.

"Sige na anak,Go na..enjoy yourself,bye bye"masayang sabi ni tita pero hindi ako tumayo sa kina uupuan ko.Tumingin muna ako kay mama na tumango bago tumingin uli kay Park Han.

"Lets go"aniya nilahad niya yung kamay kaya unti unti kong inaabot yung kamay ko para mahawakan siya pero bigla nalang niyang hinila ang kamay ko dahilan para mapatayo ako bigla.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa.Kunting galaw lang ay mahahalikan na niya ako pero nangyari yun dahil may tumulak sa kanya para mahalikan ako sa mismong lips ko.

My first kiss...

Nabigay ko kay crush yung first kiss ko sa harap pa talaga ng mga magulang namin.Siguro kong makikita ko lang ang mismong mukha ko ay pulang pula na.Hindi ko alam kong saan pumula yung pisnge ko dahil ba sa kiss o dahil sa kahiyaan.Tumingin ako sa mga mata niya.Bumilis nanaman tibok ng puso ko,bigla kong iniwas ang mukha ko para hindi ko siya matitigan sa mata.Nakakahiya.

Napatingin ako sa mga magulang namin na may hanggang tenga ang ngiti.Hindi ba sila galit na hinalikan ako sa mismong harap nila? Mabuti nalang talaga may pinuntahan si kuya dahil kung hindi tadtad ako ng biro niya.

"Sorry"he said habang hawak parin ang kamay ko.

"Sige na mamasyal na kayo ilang hours nalang natitira"sabi ni papa

Tumango ako"Si..sige po"utal na saad ko

Nauutal na tuloy ako.

Lumabas na kami dito sa restaurant at pumunta na sa kotse niya.Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya naupo nalang ako at nagsetbelt.Grabe ang gentleman rin pala niya.

I Accidentally Meet The Campus Heartrob [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon