Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos noong iniwan nya ako, at hanggang ngayon hindi pa rin humupa yung sakit na aking nararamdaman
Habang nag mumuni muni ako, biglang tumunog yung cp ko. Pagkakita ko sa caller si Althea iyon, yung kaibigan ko.
"Oh napatawag ka?", bungad ko agad sa kanya
" Wow ah! Wla man lang bang hi o hello dyan", mataray nyang sabi
"Ano nga?"
"Hmmm, may naghahanap sayo kanina, and guess what! Yung gwapong nilalang na naghatid sayo noon", excited nyang sabi
" Ha? Sino naman? Wla namang ibang naghatid sa akin noon kundi si Mar......", Agad naputol ang pagsasalita ko ng rumihestero ang pangalan ng lalaking iyon.
"Oo, si Mark nga bes, alam mo ba, kanina ang gwapo nya tapos akala ko nakakita ako ng an.......
Bago pa nya matapos ang kanyang sasabihin pinatay ko na ang tawag.Ano na namang pumasok sa kokote ng lalaking iyon? Bakit nya ako hinanap? Hindi pa ba sya nakuntento sa sakit na naidudulot nya sa akin?
Habang nag kakagulo ang utak ko, may biglang kumalabit sa akin at dahil sa pagkagulat natapon yung cp ko. Dahil hindi naman kamahalan yung cp ko, nawasak ito.
" Ay jusmeyo!!! Ano ba? Bakit kaba nanggugulat? Haistt!! Yan tuloy nasira na cp ko!!!!!, nagagalit kong saad
Hindi pa man ako nakalingon kung sino iyon, biglang itong lumuhod sa harapan ko at kinuha ang nabasag kong cp.
Pagkakita ko sa kanya, parang tumigil ang mundo ko, at parang nag so slowmo ang pagharap nya sa akin
"Naku! Sorry talaga San, Hindi KO naman talaga alam na magugulatin ka pala. Hayaan mo, bibilhan na lang kita ng bago."
Kung hindi pa sya nagsasalita, patuloy lang akong natutulala dahil sa kanyang kagwapuhan . Naka suot sya ng simpleng white t shirt at black jeans at naka addidas rubber shoes.
At nang mapagtanto ko ang nangyari, bigla kong hinablot ang nabasag kong cp at matalim ko syang tiningnan.
"Ano bang problema mo ha?!!!"
Nagulat sya sa pagtaas ko sa aking boses. Pero hindi ako natinag. Pagkakuha ko sa cp nya ay biglang ako tumalikod para umalis, pero bago ako nakaalis ay nahawakan na nya ang isa kong kamay.
"Uy sorry na, hayaan mo, papalitan ko yan", sabi nya
BINABASA MO ANG
When I Met You😍
RomanceThis story is all about a girl who wants to have a simple boyfriend, but luckily she find a man who almost perfect