"M-ark???.... B-ryan???....", nauutal kong sabi
" Anong ginagawa mo dito?"
"San, nang sinabi mong may sakit ka dumiretso na ako dito para kamustahin ka........."
Pinutol ko ang sasabihin sana ni Bryan nang balingan ko ang lalaking dahilan ng sakit ko.
"Ikaw anong ginagawa mo dito?"kasing lamig ng yelo na saad k
" Nag alala kasi......"
"OK lang ako", walang emosyon na sabi ko
" Pwede kanang umalis"Nalilito nya akong tiningnan dahil sa inasta ko sa kanya. Pero wla akong pakialam. Sinisugurado kong simula ngayong araw ay lalayuan kuna sya. Hindi kuna dapat syang mahalin dahil may na syang iba. At puputulin kuna ang pagkakaibigan naming dalawa. Dahil kung patuloy kaming magkaibigan siguradong hindi mawawala ang nararamdaman ko sa kanya
"San?, m-may p-roblema ba t-ayo?", nalilito parin nyang tanong
" Wala, pwede kanang umalis"
Kahit na nalilito parin ay umalis pa rin sya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko sa kanya, pero hindi ko iyon pinagsisisihan.
"San ano yun?
Naputol ang iniisip ko ng tanungin ako ni Bryan
" Ah wla yun, teka ano ba yang dinadala mo atsaka yung dinala ni Mark?
"Ito? Prutas ang mga ito"
Pagkatapos ng kanyang sinabi, nilagay na nya ang mga iyon sa center table.
"Nga pala, OK ka Lang ba talaga? Ba't ka nga pala nagkasakit?"
"OK lang ako, nga pala, wala kabang pasok?"
"Meron naman, pero umabsent muna ako, atsaka ok lang nman na lumiban muna ako sa klase dahil wala namn yung prof. namin.
" Ah ganoon ba?
"Teka bakit mo pala pinaalis si Mark?
Imbes na sumagot sa tanong nya, nanahimik na lamang ako. Kilala nya si Mark dahil parehas sila na pinasukan na University.
" Ahm, pwede kanang umalis Bryan, baka kasi naka istorbo na ako sayo"
"A-hm, San, a-alam ko na hindi to ang t-tamang oras p-para sabihin to sayo. P-pero g-gusto k-kita", he confessed
" A-ano?
Dahil sa kanyang sinabi, nadadagdagan na namn ang iisipin ko.
"Bryan, alam mo namang may iba akong mahal diba? Atsaka magkaibigan tayo, hindi mo ba naisip na baka mag iba ang pakikitungo ko sayo?
" A-alam ko, hindi kuna k-kasi kaya pang itago pa s-sayo ang t-totoo kong nararamdam eh,noon pa kita gusto p-pero kung iiwasan mo ako, okay lang, naiintindihan ko. P-pero sana mananatili pa din ang p-pagkakaibigan nating dalawa, kahit yan lang.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Talaga bang manhid ako? Hindi ko nalamn na mayroon pala syang gusto sa akin.
"A-hm, Bryan, hindi ko alam ang sasabihin ko. P-wede bang bigyan mo ako ng oras para makapag isip isip. Please...."
"O-ok kung yan ang gusto mo"
Hindi paman sya nakaalis tinawag ko ulit sya.
"B-ryan, s-salamat nga pala dito, atsaka... s-orry...."
Ngumiti lang sya atsaka tumango bilang sagot. Alam ko sa likod ng ngiting iyon, ay may lungkot. Hindi ko din alam kung para saan yung sorry na sinabi ko. Sa pagpapaalis ba sa kanya? O sa pag reject ko.
Haissttt!!!!! Habang ako ay naglalakad patungo sa kwarto, sinalubong ako ni mama.
"Oh anak, ok ka lang ba? Sino pala yung mga ka gwapo gwapong lalaking iyon?
" Ahm ma, kaibigan ko lang po., pasok napo ako ma"
Bago pa sya nakasagot dumiretso na ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kong maiinis ako dahil pag pasok ko, sakto namn tumunog yung speaker ko.
🎶Sino ang pipiliin mo
Ikaw ba na pangarap ko
O sya bang kumakatok
Sa puso kooo.......🎶Pinatay kuna ang tunog dahil naiinis ako. Ganito ba talaga ang itinadhana sa akin. Ang akala koy magiging kaibigan ko habang buhay ay may gusto sa akin? At ang lalaking gusto ko ay may mahal ng iba?Mapagbiro ba talaga ang tadhana o sadyang ito na talaga ang itinadhana ko?
__________
#hi guys! Hope u enjoy
Saranghae
BINABASA MO ANG
When I Met You😍
RomanceThis story is all about a girl who wants to have a simple boyfriend, but luckily she find a man who almost perfect