Chapter 9

1K 7 0
                                    

Gumising ako nang maaga, para makapag handa sa school. Naisip ko na naman ang nangyari kahapon. Haistt!!!!!! Ang sakit na talaga. Siguro susundin ko na lang ang gusto ni Samantha. Siguro ito na ang tamang oras para palayain kuna ang feelings ko sa kanya.

"Nay, Una na po ako", paalam ko kay mama

" O sige anak, mag ingat ka"

As usual naglalakad na naman ako. Namiss ko na ang paghatid hatid nya sa akin. Simula ng naging sila ni Samantha hindi na nya ako nadadaanan dahil sa kabilang kalsada na sya dumaan para sabay na silang pumasok dalawa. Sa Elite University pala sila nag aaral, at tanging mayayaman lang ang makapasok nun.

Hindi ko namalayan na dumating na pala ako sa school. Kung hindi pa ako sinisigawan ng mga baliw kong kaibigan hindi ko pa namalayan na nakarating na pala ako.

"Uy ano ba bes! Parang kang zombie kung maglakad, walang buhay atsaka ang bagal mo. Buti hindi ka na late", bungad ni Mae

" Oo nga, o sya tara na nga", yaya ni Jaeyz

Habang nag lelecture ang prof namin, wala akong naiintindihan sa kanyang sinabi, at lutang ako. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano iwasan si Mark. Pagkatapos ng last subject namin umuwi na kami. Hindi pa man ako nakatapak sa labas gate ng biglang tumunog yung cp ko. Pagkakita ko sa caller si Mark iyon. Dahil napag isip isip ko, hindi ko ito sinagot at pinabayaan na lang.

Napagod na yata sya dahil tumigil na ito sa pagtunog pero pagkaraan ng ilang segundo tumunog na namn ulit. Dahil wala na akong choice, sinagot ko na iyon.

"Anong kailangan mo?", kasing lamig ng yelo na saad ko

" Bakit mo pala ako iniwan kahapon?, may problema ba?"

Hindi nya pinansin ang panlalamig ko sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Pwede bang magkita tayo mamaya? Kung ok lang sayo?"

"Hmm, sorry Mark may gagawin pa kasi ako mamaya", palusot ko.

"Ah ganoon ba?, kailan mo pala free?", tanong ulit nya

" Ah Ewan KO", nasabi ko na lang. Bago pa sya makapagsalita muli pinatay kuna ang tawag.

DALAWANG linggo. Dalawang linggo na ang nakalipas noong nag usap kami ni Samantha. At hanggang ngayon iniiwasan ko parin sya. Hindi ko nga alam kung nakahalata na ba sya sa pang iiwas ko.

"Uy San", tawag nya sa akin.

Kahit na narinig ko sya, nagkukunwari lang akong wlang narinig. Nandito nga pala kami sa Korean restaurant na paborito naming puntahan noon.

"SAN!!!".  Dahil nagulat ako sa pagtaas ng kanyang boses. Napaligon ako sa kanya. At agad kong nabungaran ang nalilito nyang mukha.

"San, ba't nag iba kana?, ang cold muna. May nagawa ba ako sayo? Sabihin muna oh, hindi yung parang hangin lang ako sa harapan mo." Sunod sunod nyang sabi

"Wala", tipid kong sabi

Sarkastiko syang natawa

" Wala? Eh bakit nararamdaman kong nag iba ang pakikitungo mo sa akin?!!!"

"Eh Ano bang pakialam mo?"

"May pakialam ako dahil KAIBIGAN KITA!"

Yun na nga! Kaibigan mo LANG ako. Kung makapag react ka parang boyfriend kita!   

Gusto kong sabihin yun sa kanya pero walang lumabas sa bibig ko.

"Mauna na ako", paalam ko sa kanya

Bago pa sya makasagot dali dali akong lumabas sa restaurant na iyon. Narinig ko pang tinawag nya ako. Pero hindi ko sya pinansin.

Pagkauwi ko, napatingin ako sa cp ko ng tumunog iyon. Pagtingin ko sa caller ay pangaln ni Bryan ang lumitaw.

" Hello San?"

" Oh Bryan? Napatawag ka?"

"A-hm San, san ka ngayon?"

"Sa bahay bakit?"

"G-ganoon ba? Pwedeng makipagkita ako sayo bukas, kasi may sasabihin kasi ako sayo eh"

"Sure, pagkatapos na lang ng last subject ko. Mga 3:oo pm na lang"

"Kk, b-bye"

Bago ko pa ako makapagsalita ulit, binabaan na nya ako.

#sandratweety
#hi guys!!!!!





When I Met You😍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon