Chapter 10

1K 5 0
                                    

Ngayong araw ang usapan namin ni Bryan na magkikita kami dahil may sasabihin sya sa akin.

Habang naghihintay ako sa kanya, nag masid masid muna ako sa paligid. Habang inaaliw ko ang aking sarili, may napansin akong pamilyar na bulto ng tao sa distansya sa kinatatayuan ko. Kahit na medyo malayo sila, nakikilala ko parin sila.......

"M-mark....??", at may kasama syang babae at hindi nga ako nagkamali, kasama nya si Samantha

Dahil takot akong makita nila ako, nagtago ako sa halamanan.
Dahil paparating na sila sa kinatatayuan ko.

"Baby, thank you nga pala sa date na ito, nag eenjoy ako", dinig kong sabi ni Samantha

"No problem Sam.... sabi ni Mark

Nagtaka ako ng wla na akong marinig sa usapan nila, at dahil doon, tiningnan ko kung ano na ang nangyari.

Dahil sa nakita ko, biglang gumuho ang mundo ko.

They're kissing. Not only a simple kiss but a TORRID kiss.

Hindi kuna kayang makita kung ano ang pwede mangyari sa paghahalikan nilang dalawa, kaya tumakbo na ako papaalis sa kanila.

Ganito naba talaga ako?. Palaging tumatakbo? Bakit ba ang hirap mong mahalin Mark? Hindi ba pwedeng ako na lang?

Natawa ako sa aking inisip. Bakit nga ba ako nag assume na magiging kami, kahit na sa simula palang ay talo na ako?

Gwapo sya, mayaman, matalino, at lahat ata ng ideal man ng mga kababaihan ay nasa kanya na. At ako?  Simple lang

Siguro nga ay dapat kuna syang kalimutan. At buksan ang puso ko sa iba, tulad lamang ni Bryan........ Speaking of Bryan....
Biglang tumunog ang cp ko  dahilan ng tawag at biglang lumitaw ang pangaln niya

Bago ko sinagot ang tawag, kinalma ko muna ang sarili ko

" H-hello"

"San? Nasaan kana? Malelate ka ba? Bakit wala kapa? May problema?", sunod sunod nyang sabi

"S-sorry Bryan, Hindi ako makakapunta dahil may sakit kasi ako"

Sakit sa puso... Heartbreak

"Ganoon ba? OK lang, sa susunod na araw na lang tayo mag usap"

" Sorry talaga, sige ibaba kuna to"

"Kk bye, magpagaling ka ha?"

When I Met You😍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon