{Christine - POV}
After nung scene sa quadrangle ng school, tumakbo ako palayo sa kanila. Di ko nakayanan at umiyak na lang ako. Ang sakit sakit. Sobrang sakit. Bakit kasi sa lahat ng lalaki na mamahalin ko, si Niall pa? Mas malala, bestfriend ko pa ang karibal ko. Shoot, ang sakit naman nun.
Takbo lang ako ng takbo at halos wala nang makita dahil sa mga pesteng luha ko. Pagkatakbo ko, may natamaan akong isang lalaki at napaupo ako.
"Sorry, miss." Pagkasabi niya nun, hinawakan niya yung braso ko at sinubukan niya akong itayo pero hindi ako tumayo.
"Ang sakit sakit!" doon na ako sa sahig nag-iiyak habang nakaupo.
"Hala miss sorry talaga. Di kasi kita nakita, anu ba masakit sayo?"
"Y-yung puso ko." T__T
"Ha?" naguguluhan niyang tanong.
Napatawa na lang ako at nasabi, "grabe talaga ang pag-ibig no? Ang sakit pala talaga. Hayy. Isa kasi akong tnga kaya ako nagkaganito. Iwan mo na lang ako, huwag ka mag-alala ako may kasalanan kaya iwan mo na ako." sabi ko dun sa lalaki at umalis na siya.
Nung narinig ko yung mga sinabi ni Niall kanina kay Bea, parang sinampal ako ng mga salitang 'wala na talaga kaming pag-asa ni Niall'
Ang sakit, sakit talaga! Hindi ko na alam ang gagawin ko, basta gusto ko lang maialis lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Makalipas ang ilang minuto, biglang bumuhos ang ulan. Hayy, mabuti pa ang panahon, alam ang pinagdadaanan ko. Ayan, nakisabay din siya. :(
Buhay nga naman. Hirap talaga magmahal.
Nung nakatayo na ako pumunta ako sa isang coffee shop. Tinitigan nga ako nung guard kasi basang-basa ako dahil sa ulan. Kaya naisipan kong pumunta muna sa mall para magpalit ng damit. Oh diba, instant shopping. Pampagaan din ng loob kahit papano.
Umorder ako ng isang cheesecake and hot chocolate. Kahit papano, may mag-cocomfort din pala sa akin. Hayy.
Nung natapos na akong kumain, naglakad-lakad muna ako sa loob ng mall at biglang nag-text si Nicole. "Christine, asan ka? Bat bigla ka na lang nawala. Nandito kami sa isang restaurant, kasama sina Niall. Text ka kung nasan ka ha?"
Nung nabasa ko yung text ni Nicole, gusto ko ulit umiyak. Restaurant? Malamang parang date na lang yun. Asa ka pa Chirsitine na mante-treat lang sila.
Argh. Ang sakit sakit na talaga, hindi ko na kaya ang nararamadaman ko. Gusto kong sumigaw, umiyak, ipagtulakan ang sarili kong kaibigan para mapunta sa akin yung taong mahal ko, pero hindi ko magawa dahil alam kong mali yun. :'(
Pero, hindi ko na talaga palalampasin to.
Nireplyan ko si Nicole, "Nandito lang ako sa mall. Alam mo naman yun dahilan eh. L Anung pangalan ng restaurant na pinuntahan niyo?"
Nag-reply siya, "Sa ******* Restaurant."
Okay, text mo ko kapag uuwi na kayo. Reply ko naman.
Pagkareply niya ay dumiretso ako sa sinehan para manuod ng isang movie. Kailangan ko lang ng pampalipas oras.
Nung nandun na ako ay namili ako ng movie na papanoorin. Habang namimili ako, may nakabungo sa akin dahilan para matumba ako.
Matumba ako? I have a feeling that it is..
"CHRISTINE?/JIYO?" sabay pa naming sabi, gaya-gaya. =__=
BINABASA MO ANG
30 Days with Niall Horan [REVISED - ON GOING]
FanfictionWhat if you are given a chance to be Niall Horan's girlfriend? Anung gagawin mo sa kanya? Find out how he spent his 30 days with a girl named Bea who is so obsessed to him. This story is revised and it has 5% of changes so better re-read it. Thank y...