1. The Human Series

128 7 3
                                    

Rhanix Jam Enrico, Rhenzen Jax Enrico at Rhymon Jad Enrico, marinig mo lang ang isa sa mga pangalan ng tatlong yan ay manginginig ka na sa kaba.

Ang tatlong magkakapatid ang pinaka-kinatatakutan ng lahat. Nagmana sa kanilang ama na napakailap sa tao at ubod pa ng seryoso.

Close ang magkakapatid at laging magkasundo. Kilala sila hindi lang dahil mayaman sila at kilala ang pamilya kundi dahil nakatatak na sa mga taong nakakakilala sa kanila kung ano ang ugali ng tatlong magkakapatid.

Hindi naman lahat ay kilala na nag-eexist ang tatlong yan. Because the words private, mysterious and deadly are part of their names ay for sure hindi mo na rin gugustuhing kilalanin ang tatlong yan kaya iilan lang talaga ang nakakakilala sa kanila.

Matatalino silang lahat and mind you they are all possesive pero wala silang pakialam sa mga babaeng nagkakagusto sa kanila. They knew they are a 'one woman man' pero di pa nila nahahanap ang babaeng magpapaamo sa kanila.

May isang babae pala na talagang nakakapagpasuko sa tatlong yan pati sa kanilang ama, ang mama nila na isang tawag lang sa first name nila ay agad na magsisitahimik ang mga yan at magiging anghel.

Kaya mama lang nila ang may karapatang tumawag sa first name nila kundi ay masasampolan ka ng nakakatakot na ugali ng magkakapatid.

At noon ngang namatay ang parents nila dahil sa isang car crash ay lalo pang tumindi ang ugali ng tatlo.

Lalo silang naging mailap at seryoso pero syempre may iba't iba pa silang pagkakakilanlan at simulan natin ang kwento kay Rhanix Jam Enrico.

Kilala bilang Human Robot dahil wala ata syang hindi kayang gawin. Isang taon pa lamang noong mamatay ang mga magulang nya ay sa kanya nalipat ang responsibilidad na magpatakbo ng kanilang 'mga' kompanya.

Para sa kanya madali lang namang patakbuhin ang walong business ng mga magulang. Sa isang araw puno ang sched nya at minsan pa nga ay nakakadalawang bansa syang napupuntahan dahil sa meeting sa mga investors.

Walang duda na isa nga syang 'Human Robot' dahil nakakaya nya iyon at never syang nahirapan. Yung mga secretary nya lang ang hindi makayanan ang halos 24/7 na trabaho sa sobrang busy nya.

Kaya papalit-palit sya ng secretary at ngayon nga naghahanap sya ng bago. Pero dahil sa balita tungkol sa trabaho bilang secretary nya ay iilan lamang ang naglakas ng loob na mag apply.

For him, his life's a mess though nag-eenjoy naman sya pero alam nya na may kulang. He's already 29 pero wala pang babaeng nakakuha ng atesyon nya.

Ngayon na kaya ang panahon kung kelan nya matatagpuan ang babaeng magpapatibok ng puso nya? Ang babaeng kokontrol sa buong sistema nya?

*-^-*

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Author's note:

Hello readers! short stories lang po ang The Human Series, 10 chapters lang po. Sana ay magustuhan nyo. Vote or a simple comment will be much appreciated. Enjoy reading! Lovelots😘

Rhanix Jam:The Human Robot(WOO DO-HWAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon