Rhanix Jam
I don't know pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Siguro dahil binigyan ako ni Daphynie ng chance na kilalanin sya.
Halos matapos ko kahapon ang trabaho ko para ngayon dahil sobrang na-motivate ako dahil kay Daphynie.
Naglalakad kami ngayon ng mga kapatid ko papasok sa kompanya, may pasok ang dalawa pero sabi nila ay bibisitahin daw nila ako. More like kukulitin at sanay na din naman ako sa dalawang to.
Chineck ko ang phone ko at tiningnan ang mga text ko kay Daphynie.
Napansin kong kakaiba ang tingin sakin ng mga employees.
May isang bumati sakin ng "good morning, sir" at bumati din ako ng good morning.
Natahimik ang paligid at nabitawan nung bumati sakin ang mga dala nya.
What now? Tumuloy na lang ako sa paglalakad at nilagay sa bulsa ang cellphone ko, mamaya ko na lang ulit itetext si Daphynie.
"Hey big bro, you're creeping us out" napakunot ako sa sinabi sakin ni Jax
"Why?"
"Are you aware that you're smiling like an idiot kuya Jam?" sabi naman ni Jad.
"Am I? Hindi naman siguro masamang ngumiti?" balik na tanong ko sa kanila
Napatingin ako sa paligid at lahat sila gulat na gulat na nakatingin sa akin tila narinig ang usapan naming magkakapatid.
Hindi naman nakaimik yung dalawa sa sinabi ko kaya napailing na lang ako.
Ganto ang epekto sakin ni Daphynie. Iniisip ko lang sya pero para na kong tanga na ngumingiti...
---
Tahimik lang akong nagtatrabaho dito kahit nasa loob ng opisina ko ang mga kapatid ko.
"Good morning baby! Ako nga pala ang forever mo minsan mabait, madalas gwapo"
Nagulat ako sa sinasabi ni Jax kaya napatingin ako sa kanya.
"The hell Jax! Give me back my phone now!"
"the hell too Jam! What's with this cheesy lines and who is this 'Daphynie baby'? Sya ba ang dahilan ng pagngiti mo ha?" Pag-uusisa ni Jax.
Kinuha ni Jax ang phone ko at binasa ang text ko kay Daphynie. Kahit na hindi ako nakakatanggap ng reply mula sa kanya ay ok lang basta alam nya kung anong nararamdaman ko.
Hindi ko sya sinagot at inagaw ang cellphone ko sa kanya. Tumawa lang naman ang dalawa kong kapatid na kanina pa kong ginugulo dito mismo sa office ko.
Though tahimik lang si Jad na nakaupo.
"So binata na ba ang Kuya Jam namin?" mapang-asar na sabi ni Jad. Binabawi ko na ang sinabi ko na tahimik siya.
"Shut up!" inis na sabi ko na ikinatawa naman ng dalawa.
"You know brother, ok lang samin na magkaroon ka na ng girlfriend, mas maganda yon para naman marelax ka ng konti at hindi puro trabaho na lang ang inaatupag mo" sabi ni Jax at nakita ko pang tumango-tango si Jad.
Lumapit ako sa kanila at pinitik ko ang mga noo nila.
Kala mo kung sinong mga love expert eh...
"Magsilayas na nga kayo dito sa office ko at pumasok na... hindi yung lovelife ko ang inaatupag nyong dalawa" seryoso kong sabi kaya napasunod agad ang dalawa.
Sumeryoso na din bigla ang mga mukha nila at sabay na nagsabi ng "K, bye" pagkatapos ay mabilis na umalis.
Umiling-iling na lang ako sa dalawang yon. Napakakulit talaga nila at hindi yon alam ng karamihan. Well sa isa't isa lang naman namin nilalabas ang kakulitan namin.
BINABASA MO ANG
Rhanix Jam:The Human Robot(WOO DO-HWAN)
Romance"My life is a mess, until you came" - Rhanix Jam Enrico