7. The two brothers' approval

39 3 0
                                    

Rhanix Jam

"Baby you're driving like a drag racer. You never fail to amaze me, really" nakangiting sabi ko sa kanya.

Pansin kong natigilan si Daphynie dahil sa sinabi ko? May problema ba sa sinabi ko?

"ehem ehem" napalingon naman kami ni Daphynie dun sa backseat.

"hala? Paanong nasa kotse ko kayong dalawa?" tanong ni Daphynie

Di naman sila nag abalang sumagot sa tanong ni Daphynie. Tsk tsk

Nasa likod lang pala namin all this time yung dalawa kong kapatid at kita ko sa mga mata nila ang mga tinging nang-aasar.

Sinamaan ko lang naman sila ng tingin, di ko naman talaga gustong isama ang dalawang yan eh kaso nung nalaman na basketball ang pupuntahan ko, ayun at nagsisama ang dalawa.

"If I were you Daphynie di na ko mag aabalang dalhin sa hospital tong si Jam. He's perfectly fine." sabi naman ni Jax.

"eh baka nabalian na sya ng buto?" tanong naman agad ni Daphynie.

Nagulat naman ako ng pisilin ni Jax ang kamay ko na napatama sa sahig kanina.

"You have a broken bone if you may feel pain when you put weight on the injury. As you see I just press it pero hindi man lang sya nasaktan. Kaya trust me wala syang baling buto"

Hindi na ko nagulat sa mga pinagsasabi nyang si Jax. Aware naman ako na Human Dictionary yan. Madaming alam.

Tahimik lang naman si Jad na mainit pa ata ang ulo sa nangyare kanina...

"How did you know that? Doctor ka? Bat andmi mong alam?" nagtatakang tanong ni Daphynie

Jax just shrug hindi na rin naman pinansin ni Daphynie at nagdrive na pauwi

...

Pinapasok ako ni Daphynie sa kwarto nya para magpalit ng damit. Binendahan nya rin yung parte ng kamay ko na napuruhan kanina.

Biglang bumukas ang pinto kaya dali dali naman akong nagbihis agad.

Si Daphynie pala, hindi man lang sya kumatok. Pano kung naabutan nya kong walang damit tapos mailang sya? Tsk tsk.

Natawa si Daphynie na ikinakunot ko ng noo. Tinatawanan nya ba ko?

"hindi mo naman kase kelangang magmadali sa pagbibihis kahit pumasok ako.. Andami ko ng nakitang ganyan, madalas magpalit ng damit sa harap ko sina Hilux kaya di na ko naiilang."

Nandilim bigla ang aura ko sa sinabi nya.. Ibig sabihin ang dami ko na agad karibal talaga.

Naiinis ako sa naisip kong andaming nakita ni Daphynie na katawan ng lalaki..

"oh? Anong problema mo jan?"

"remind me to kill them.. "

"what? Ano bang sinasabi mo?"

"tsk wala" inis kong sabi sabay tayo at nilapitan sya.

Napakunot naman ako muli dahil tumawa na naman sya.

"bakit ba tawa ka ng tawa?" medyo naiirita ko ng tanong.. Di man lang nya makuha na nagseselos ako? Tsk

"baliktad kase yang dami mo" natatawa nyang sabi. Pagtingin ko sa damit ko baliktad nga.

Since sabi nya di naman sya naiilang kahit may lalaking maghubad sa harapan nya. Hindi na ko nagdalawang isip at hinubad ang damit ko.

Napansin kong napanganga sya sa ginawa ko kaya napa-smirk na lang ako

Rhanix Jam:The Human Robot(WOO DO-HWAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon