8. Yes!

44 4 3
                                    

Daphynie

Halos apat na buwan na ding nanliligaw si Rhanix, hindi na sya masyadong bumibisita dahil naging busy na sya sa company nila.

At sobrang tagal na din simula nung nagtrabaho ako na buti na lang pinayagan ako ulit nina mommy magtrabaho sa kompanya nung naging busy na din si Rhanix.

Hindi naman sya pumalya sa pagpapadala ng bulaklak at chocolates sakin everyday at pangungulit sa text at tawag.

One time nga ay pinilit ako ni mommy na bumisita daw ako sa company nina Rhanix.

Sabi ko na baka busy si Rhanix tapos makaabala pa ko. Pero hindi ako pinakinggan ni mommy at pinilit pa rin akong makapunta.

Wala na kong nagawa at bumisita na nga.

Mukhang nasabi na ata ni mommy kay Rhanix na bibisita ako dahil mukhang na-orient na ang mga guard at employees.

Nakarating ako agad sa office nya.

Napagmasdan ko sya habang nagtatrabaho. Maya't maya ang phone call at ang daming nakapatas na papel sa desk nya.

Pansin ko pa na ang dami nyang sched na kelangang gawin, nakapaskil sa left side nya ang mahabang listahan na kelangan nyang tapusin.

Grabe, nagagawa nya lahat ng yon? Partida at wala pa syang secretary nyan na ako pa ata ang may kasalanan dahil hindi ako pumayag bilang secretary nya.

Sa nakikita ko naman ay hindi na nya kelangan ng secretary.

Human Robot nga sya at totoong humahanga ako sa galing nyang magmanage ng time.

Di ko sure kung makukuha ko atensyon nya pero pumasok na ko sa opisina nya.

Dahan dahan lang akong pumasok para di sya maabala pero nagitla naman ako ng bigla agad syang nag-angat ng tingin.

"hala sorry, naabala ba kita? Si mommy kase pinilit akong bisitahin ka. Kita kong sobrng busy mo kaya di ko sure kng mapapansin mo kong pumasok sa office mo.. Ha ha ha ha" medyo awkward kong sabi.

Lalo naman akong nagulat ng itigil nya lahat ng ginagawa nya at tumayo sya pagkatapos ay inalalayan pa akong umupo.

"ok lang baby, syempre makukuha mo ang atensyon ko, even from the start. Just to remind you, you're the only girl who caught my attention" natatawang tugon naman nya.

Namula na lang ako sa sinabi nyang yon. Hindi ko talaga alam kung bakit ang galing nyang magpakilig eh wala pa syang karanasan sa panliligaw?

Di naman ako nagtagal at umalis na din kase feeling ko ay di nya itutuloy ang trabaho nya hanggat kausap nya ko.

Ayoko namang makaapekto ako sa pagtatrabaho nya kahit sinasabi nya na okay lang.

Yun ang una at huli kong pagbisita sa office nya. Hindi ko alam pero I'm starting to miss him.

Napapaisip na rin ako minsan kung nahulog na ba talaga ako sa kanya at kung handa na ba akong magcommit sa isang relationship?

Hindi naman kase sya yung tipong titigil kahit patigilin ko sya sa panliligaw.

Hayss... Namomroblema ako kahit sa tingin ko ay hindi naman dapat kasi wala na naman akong hahanapin pa sa isang Rhanix Jam Enrico.

Isa syang masugid na manliligaw.

Kahit busy sya ay naglalaan sya ng time para bumisita samin once a week na may mg dalang kung ano-ano.

Kaya botong boto sina daddy sa kanya eh...

Ngayon nga ay nandito sya sa bahay kahit gabi na..

Tahimik lang naman kaming kumakain habang nanunuod ng kdrama.

Ako lang pala yung nanunuod tapos nakikikain lang sya. Tsk

Hinampas ko naman ang kamay nya ng bigla nyang hawakan ang kaliwang kamay ko.

Hindi naman sya natinag at pinagpatuloy lang ang pagpisil sa kamay ko.

Lagi niyang panggigigilan ang kamay ko, pipisilin niya, minsan hahalikan tapos mamaya ay kakagatin..

"Bakit ba gigil na gigil ka sa kamay ko?" mataray kong tanong habang pinipilit na alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

"Nakalimutan mo na ba baby? itong kamay na to ang unang humawak sa abs ko.."

Namula naman ako.. Hindi ko alam kung dahil sa tinawag nya kong baby o dahil sa topic namin..

"Eh hindi ko naman sinasadyang hawakan eh, ikaw kaya may kasalanan!"

"Nahawakan mo na abs ko kaya dapat panagutan mo ko. Akin ka lang baby kaya kung ako sayo sagutin mo na ako."

Napatigil tuloy ako sa sinabi nya. Nawalan na tuloy ako ng focus sa panunuod.

"Kelan mo ba ko sasagutin?" tanong nya ulit.

Umiral tuloy katarayan ko.

"Mahal mo ba talaga ko? Bat parang naiinip ka na? Edi tumingin ka muna sa iba.. Tapos bumalik ka na lang kung gusto mo pa..."

Nawala ako sa mood kaya tumayo ako at balak na iwanan sya pero pinigilan nya ko.

"hindi ganon Daphynie. you know I love you, I really am. Ang gusto ko lang naman magkaroon na ko ng karapatan sayo. Gusto ko sakin lang, sakin lang ang atensyon mo." seryoso nyang sabi

Nakatitig lang ako sa mata nya habang sinasabi nya yon. Lalo akong natahimik sa sunod na mga sinabi nya.

"Gusto ko ng ipagsigawan sa lahat na akin ka na... Gusto kita at minsan gusto na kitang pilitin na sagutin ako pero nirerespeto kita kase mahal kita"

"mahal kita Daphynie, gagawin ko ang lahat para lang mapasaya ka.. Para--"

"Gusto din kita Rhanix" hindi ko na pinigilan ang sarili ko at sinabi na ang totoo kong nararamdaman.

Narealize kong sincere si Rhanix sa nararamdaman nya sakin. Ramdam ko din na hindi nya ko kayang saktan. May tiwala na ako sa kanya.

Iba sya at aaminin kong tuluyan na kong nahulog sa kanya.

Nakita kong nagulat si Rhanix.

"Ibig sabihin ba non sinasagot mo na ko?"

Tumango na lang ako.

"Yes!" masayang sigaw nya

Pinatahimik ko naman sya dahil tulog na sina mommy.

"Baby, hindi mo alam kung gano mo ko napasaya ngayon. Thank you" sabi nya at niyakap ako.

"sya alis na, may trabaho ka pa bukas" sabi ko at tinulak na sya palabas ng pinto

Humarap naman sya sakin, " God knows kung gano ko kagustong halikan ka ngayon"

Natahimik ako bigla sa sinabi nya.

"But, I want our first kiss to be memorable. Hahalikan lang kita sa harap ng simbahan." nakangiti nyang sabi...

Kaya napangiti na din ako sa kanya. He's very romantic and sweet.

Pero wait....

"what do you mean 'our' first kiss? you mean... you never kiss other girls before?"

"yes, except my mom. I told you you're the only girl na nakakuha ng atensyon ko"

Grabe lang... Wala na ata akong makikilalang kagaya nya.

"anyway, speaking of your mom.. where are you're parents nga pala?"

Napansin ko medyo lumungkot ang mata nya...

"soon ipapakilala kita sa kanila" mahinang sabi nya.

"ok... Shooo shooo" pagtataboy ko muli sa kanya..

"Can I kiss your eyes instead?"

"Wait wha--" napapikit ako bigla nung lumapit sya sakin

"They are so beautiful, goodnight baby. Sleepwell"

Hinalikan nya talaga yung mata ko! Ang sweet nya lang! Omygosh! Pano ako makakatulog nyan?

*-^-*

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Rhanix Jam:The Human Robot(WOO DO-HWAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon