Rhanix Jam
Natuwa ang parents ni Daphynie nung malaman nila na sinagot na nya ko.
Inasar pa kami ni tita kung kelan daw ang kasal.
Sabi ko naman kay tita na di ko minamadali si Daphynie. I will wait again, saka lang ako magpropose sa kanya kapag handa na sya.
Lalo namang natuwa si tita at tito sa sinabi kong yun.
Wag na daw akong mahiya na tawagin silang mommy at daddy.
Si Daphynie naman ang nahiya sa parents nya that time.
Mabilis lang lumipas ang mga araw, actually ngayon ay graduate na si Jax.
Sabi pa sakin ay wag ko na daw syang bigyan ng graduation gift. Gusto daw muna nyang magliwaliw bago ko ipasa sa kanya ang pagmamanage ng ibang negosyo ng pamilya.
Natawa na lang ako at syempre pumayag ako sa gusto nya. Minsan lang humingi ng pabor si Jax di katulad ni Jad na panay palipat ng school.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko naman kay Daphynie.
Nasa isang picnic area kami ngayon. Matagal na daw nyang gustong magpicnic kaya tinupad ko.
"kumakain ng chocolate? Kita kong pa-expire na pala to eh" sabi nya sabay kain ng chocolate.
"Buti naabot mo pa ang expiration" natatawa kong sabi.
"Oo nga eh sayang naman"
"tsk tsk.. Mga pagkain talaga.. Buti na lang ang pagmamahal ko hindi nag-eexpire"
"Talagang naisip mo pa yan ah.. Hahaha"
"Actually hindi ko naisip yon.. Sinigaw ng puso ko"
Natawa lang naman si Daphynie sa sinabi ko. Bakit tumawa lang sya?
"Bakit tumawa ka lang? dapat kiligin ka! Sige break na tayo!"
Lalo lang namang natawa si Daphynie. Tsk.
"Break na talaga tayo"
"seryoso? Rhanix? Hahahaha"
"bakit? Porket ako ang nanligaw di ako pwedeng makipagbreak?"
"so break na talaga tayo?" kinabahan naman ako kase sumeryoso bigla ang boses nya.
Pero no! I demand some affection!
"hindi mo man lang ba ko susuyuin? I need some affection naman!"
Natawa lang naman ulit si Daphynie sa sinabi ko.
Tumayo ako at mabilis naglakad palayo..
Hindi talaga nya ko susuyuin? Wala ata syang balak habulin ako..
Nakakabakla mga tol pero nagpapalambing lang naman ako eh.
Asa pa na makipagbreak ako sa kanya eh mahal na mahal ko yun.
Babalik na sana ako pero nagulat ako dahil nasa harap ko na pala sya at bigla akong niyakap...
"Alam mo.. Kaya ako tumawa kase di ko mapigilan ang kiligin.."
Di naman ako umimik
"wag mong tangkaing makipagbreak sakin dahil di ako papayag, sasapakin talaga kita"
Ako naman ang natawa sa sinabi nya..
"hug mo pa ko ng mahigpit para bati na tayo." sabi ko naman
"wow ang demanding naman ng boyfriend ko"
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at niyakap sya ng mahigpit.
I'm very thankful to have her. Kaya sa tingin ko ito na ang time para makilala nya ang parents ko.
BINABASA MO ANG
Rhanix Jam:The Human Robot(WOO DO-HWAN)
Romance"My life is a mess, until you came" - Rhanix Jam Enrico