10. Finale

54 5 1
                                    

Daphynie

Nakaupo kami dito malapit sa puntod ng parents ni Rhanix. Kinwento nya sakin ang lahat.

"I'm sorry Rhanix, about your parents. Naalala ko noon nung tinanong kita about sa parents mo. Kaya pala nalungkot ka. Pasensya na kung natanong kita non"

"Shhh.. Baby, hindi mo kailangan mag-sorry. Mag-smile ka na para maganda ka sa harap nina mommy." pabirong sabi naman ni Rhanix

Nahampas ko tuloy sya.

"Mom, Dad... I want you to meet the woman I love. The woman who changed me for the better. The woman I want to marry someday, Daphynie Morris" pakilala sakin ni Rhanix.

"Daphynie, my mother Mrs. Rhiane Enrico and my father Mr. Jyle Enrico"

"hmm.. Hello po tita Rhiane, tito Jyle" masigla kong bati Sana po happy kayo kung nasan man kayo ngayon. Wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala kay Rhanix"

Isinandal naman ako ni Rhanix sa balikat nya.

Nag-open sakin ang isang Rhanix Jam Enrico.

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nakuha ko ang atensyon nya.

Hindi ko inakalang mangyayari to. Hindi ko naisip na isang araw ay kakayanin kong ipagkatiwala ang puso ko sa isang lalaki.

I am happy na nakilala ko sya, ngayon ay handa na kong harapin ang buhay na kasama sya.

----

Rhanix

Sinasamahan ko si Daphynie na manuod ng kdrama.

Kakagaling ko lang sa trabaho at medyo pagod na din pero I want to see her kaya sa kanila ako dumiretso.

Naramdaman ko namang sumandal sa balikat ko si Daphynie

"Rhanix.."

"hmm?"

"I'm just curious... Why me? Andaming babae jan at sure ako na may mas better sakin pero bakit ako?" tanong ni Daphynie

Iniyakap ko ang ang isa kong kamay sa kanya bago sya sagutin.

"you know I'm always thankful na dumating ka sa buhay ko. Before we met, hindi ko itinatanggi na workaholic talaga ako kaya nga siguro ako nabansagang Human Robot eh. I'm happy way back then but I know I'm not contented. You see, my life's a mess not until you came."

Tahimik lang naman si Daphynie na nakikinig kaya nagpatuloy ako.

"alam kong may alam ka na tungkol sakin kahit di mo pa ko nakikilala. Aware ako na takot at ilag ang iba sakin, samin ng mga kapatid ko dahil sa ugali namin. Dahil don natakot ako... Natakot ako na walang taong kayang tanggapin ang ugali ko, baka walang babaeng tumanggap sa pagkatao ko dahil sa mga balitang yon na hindi ko naman itinatanggi"

"pero nung nakilala kita hindi ko alam kung bakit sa isang iglap ay nawala ang takot na nararamdaman ko. Biglang gumaan ang pakiramdam ko na sa isang iglap nabago ang ugali ko ang pagkatao ko. Binago mo ko Daphynie kaya nagpapasalamat ako sayo and I'm sure thankful din ang parents ko sayo"

"siguro nga may mas better sayo pero ikaw ang best para sakin. Hindi ako kontento noon dahil alam ko na may kulang. Pero yung kulang na yun ay unti-unting napunan simula nung nakilala kita. Alam kong mahirap paniwalaan pero na-love at first sight talaga ako sayo. Unang kita ko pa lang sayo alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin ko, ang babaeng kokontrol sa buong sistema ko."

"...kaya don't underestimate yourself ok? Ikaw ang babae para sakin, ikaw lang at wala ng iba. I love you, baby"

Inalis ni Daphynie ang pagkakadantay nya sa balikat ko at humarap sakin.

"Thankful din ako Rhanix dahil nakilala kita. You also changed me, natuto akong magtiwala dahil sayo. I love you too" makangiting sabi sakin ni Daphynie at bumalik sa pagkakadantay sa balikat ko.

Naramdaman ko na lang na bumibigat na ang paghinga nya. Tiningnan ko sya at ayun nakatulog na.

Maingat kong pinatay ang tv para hindi sya magising.

"I love you baby, sweet dreams" mahina kong bulong sa kanya at hinalikan sya sa noo.

"hmmm.. Love you too" napangiti ako nung sumagot sya kahit tulog.

Pinagmasdan ko pa sya ng ilang sandali bago unti-unting nakatulog...

She's definitely the woman I want to be with.

*-^-*

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Rhanix Jam:The Human Robot(WOO DO-HWAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon