Rhanix jam
"Next" seryoso kong saad habang hinihilot ang noo ko.
Halos anim na minuto pa lamang ang nakakalipas nang magsimula ang pag i-interview ko sa mga applicants pero sumasakit na agad ang ulo ko sa kanila.
Lima lamang ang nag apply at doon pa lang ay nawala na agad ako sa mood. Ganon na ba talaga ko kahirap maging boss? Tsk!
Sabagay hindi ko naman sila masisisi. Madami talaga akong sched sa isang araw at kung normal na tao ka lang ay mababaliw ka sa trabaho bilang secretary ko...
Though kinaya ko kase I'm starting to think na hindi nga ako normal, maniniwala na ko sa sabi-sabing Human Robot daw ako na kayang pagsabayin at gawin lahat ng trabaho.
Siguro ay last ko ng paghahire ng secretary kapag nagresign ulit ang mapipili ko.
Tutal gaya ng sinabi nina Jad at Jax na kailangan ko munang mag-enjoy.
Sanay naman akong gumagawa ng lahat at sa tingin ko di ko na kakailanganin ng secretary. Lalo na at konti na lang ay tutulungan na din ako si Jax sa pagmamanage ng mga business namin.
Napansin kong may nakatayo na sa harap ko. Naka-amoy ako ng pang-babae na pabango.
Babae? Puro lalaki kase yung apat kanina at minsan lang ding may babaeng mag apply bilang secretary ko dahil nga sa bali-balitang hindi kakayanin ng isang babae ang trabaho nya sakin bilang isang secretary.
Well, yes, hindi ko itatanggi yon.
Hindi na ako nag-abalang tingnan sya at binasa ang resume nya.
Sya na ang huling aplikante at nagdadalawang isip ako kung i-interviewhin ko pa sya dahil baka lalo akong walang mahire na secretary.
Base sa resume hindi pa rin ang kagaya nya ang hinahanap ko. Ayoko din sana ng babae dahil lahat naman ng babae na lumapit sakin ay may ibang pakay, ang pansinin ko sila at umasa na makukuha nila ang atensyon ko.
Kung ganon din ang babaeng ito wala na kong pagpipilian, no choice na ako kundi ang i-hire sya.
Humarap ako sa kanya at sandali akong natulala sa mukha nya.
Ngayon ko lang napansin na nakajeans lang sya at simpleng t-shirt.
Mag aaply ba talaga ang babaeng to? Na-curious tuloy ako kaya tinitigan ko sya ng seryoso.
Wala syang make-up pero natural na maganda.
Wait... Sinabi ko bang maganda? Woah Rhanix Jam don't tell me na-love at first sight ka.
Sineryoso ko pa lalo ang aking mukha at tinitigan sya. Madaming babaeng nagkakagusto sakin at malalaman ko sa unang tingin lang sa mata nila kung gusto nila ako o hindi.
Malay ko ba baka isa sa mga stalker ko ang babaeng to.
Tinitigan ko lang sya pero seryoso lang din ang mukha nyang nakatingin sakin at napakunot ang ko ng nagkibit balikat sya.
Tinaasan nya ko ng kilay, "excuse me sir. Pero kung wala po kayong balak interview-hin ako, aalis na po ako"
Gulat akong napangiti sa attitude nya. Nakita nya ang pagngiti ko kaya inirapan naman nya ko.
Woah... Really? Tinarayan ako ng isang babae? This is the first.
This girl is something.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Sumandal ako sa lamesa paharap sa kanya
"wala talaga akong balak interviewhin ka Ms. Daphynie"
"well then" nakangiti nyang sabi at akmang tatayo na sana sya pero natigilan sya sa sinabi ko
"you're hired"
"what the hell!" galit ba sya dahil tanggap sya? at sinigawan nya pa ako.
Sya lang talaga ang babaeng may ganang sigawan ako hindi tulad ng iba.
Though medyo hindi na ko natutuwa sa inaasta nya kaya nilapitan ko pa sya at yumuko upang matapat ang mukha ko sa mukha nya.
Inilayo naman nya ang mukha nya at sinamaan pa ko ng tingin.
This girl is really something, nakuha nya ang atensyon ko.
Napangiti na naman ako
"sabihin mo sakin Ms. Daphynie Morris, halata na napilitan ka lang mag-apply dito at hindi mo talaga gustong maging secretary ko. Why is that?" pinilit kong maging seryoso ang boses ko dahil napapangiti ako sa kabado nyang itsura.
Narinig ko pang nagmura sya ng mahina. Cute.
"a-ano... Kase... dare lang kase to. Wala akong planong maging secretary ng kahit na sino dahil para sahihin ko sayo madami kaming pera at di ko kelangan magtrabaho. I have my own business kaya if you'll excuse me iba na lang ang i-hire mo"
Pagkasabi nya non ay tinulak nya ko pero syempre hindi sya nagtagumpay.
Ngumiti ako sa kanya at ngayon sya naman ang natigilan.
"Did you just.. did you just smile?" takang tanong nya.
Kanina ko pa nga sya nginingitian tapos ngayon nya lang napansin.
Inilapit ko pang muli ang mukha ko sa kanya. This isn't my thing pero I'm mesmerized by this girl's simplicity and attitude.
"yes baby, I just smiled. So, this is all a dare huh.. You know Ms. Daphynie baby, you caught my attention at sa ayaw o sa gusto mo mang maging secretary ko, hindi ka na makakatakas sakin."
Naging mataray naman muli ang itsura nya dahil sa sinabi ko.
"the hell I care kung nakuha ko ang atensyon mo. May saltik ka ba o hindi mo lang talaga magets? Dare lang ito at sure ako na hindi pasado sa standards mo ang pinasa kong resume kaya please lang wag mo kong tawaging baby at pwede ba umalis ka sa harap ko dahil uuwi na ko!"
Hindi ko sya sinunod at inilapit ko ang bibig ko sa tenga nya.
"Ok baby... Kung ayaw mong maging secretary, be my girlfriend then"
"What?! May saltik ka talaga! Lumayo ka nga! Sabing wag mo kong tawaging baby!"
Tumawa lang ako sa kanya at lumayo na. Tumayo sya at mabilis na tinungo ang pintuan. Bago sya tuluyang umalis ay humarap sya sakin
"Wala kong balak maging girlfriend mo! In your dreams, Rhanix" sabi nya at tinarayan pa ko saka sinarado ng malakas ang pinto.
Natigilan ako sa tinawag nya sakin, she call me by my first name. Dapat ay nagagalit ako pero bakit bumilis pa ang tibok ng puso ko?
Uh-oh I think na love at first sight nga ako sa babaeng yon. Napangisi na lang tuloy ako.
Daphynie, wala ka ng kawala sakin. You caught my attention at wala ka ng magagawa don. I will make you mine, baby.
*-^-*
ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя
BINABASA MO ANG
Rhanix Jam:The Human Robot(WOO DO-HWAN)
Romance"My life is a mess, until you came" - Rhanix Jam Enrico