Daphynie
No! It can't be! Did I just caught the attention of the famous Rhanix Jam Enrico?
Is that good?
Well, definitely not!
NO NO NO! This can't be happening.
"Ghad Daphynie! inhale... exhale.. relax" sabi ko sa sarili ko habang nagmemeditate.
Hindi naman siguro seryoso ang Rhanix na iyon sa sinabi nya?
Pero hindi ko makita sa itsura nya kahapon na nagbibiro sya!
Hindi ako pinatulog ng Rhanix na iyon! Ang yabang nya!
Okay... gwapo sya pero ang yabang nya!
Sabi nga... Hindi lahat ng gwapo masarap titigan. Yung iba masarap tadyakan sa sobrang kayabangan..
Grabe! naiinis talaga ako sa kanya!
"No! Daphynie don't let your mind think that ugly creature"
inhale... exhale... inhale.. exha---
Natigil ako sa pagmemeditate ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at kulang na lang lumaglag yung panga ko sa sahig sa sobrang gulat.
Am I imagining things now?
Nasa pintuan lang naman ng kwarto ko si Rhanix Jam Enrico, Am I suppose to believe this?
Nasa loob ng bahay namin si Rhanix Jam Enrico?!
Kinusot-kusot ko pa ang mata ko at lumapit sa kanya tapos ay sinundot ang pisngi nya.
OH MY GOSH! He is real!
"Good morning baby... how's your sleep?" tanong nya habang nakangiti. Akala ko ba hindi marunong ngumiti ang isang to?
Ang gwapo nya ngumiti talaga...
No Daphynie! don't fall for his charm!
"What the hell are you doing here?" pinataray ko ang boses ko pero ngumiti ulit sya kaya inirapan ko lang sya.
Ganyan ang mga galawan ng mga lalaking pa-fall! Kaya hindi ako makukuha sa mga pangiti-ngiti nyang yan!
Lumapit sya sakin kaya naman lumayo ako.
"Hey! Stop! Kung ayaw mong sagutin kung bakit ka nandito pede ba umalis ka na lang!" tumigil naman sya dahil sa sinabi ko
"I'm here because I want to see you" seryoso nyang sabi
"At bakit mo naman ako gustong makita? Sinabi ko naman sayo na hindi ako papayag maging secretary mo so please umalis ka na dito sa kwarto ko at sa pamamahay ko"
Pero hindi yata marunong umintindi ang isang to dahil lumapit ulit sya sakin kaya naman lumayo ako ulit hanggang sa mapaupo ako sa kama ko.
Tinitigan ko sya ng masama pero nagulat ako ng lumuhod sya sa harap ko para magkapantay ang mga mukha namin.
"I want to see you because it is my duty to visit my girlfriend" pagkasabi nya non ay kinuha nya ang mga kamay ko at hinalikan iyon.
Natigilan ako sa sinabi nya pero iwinaksi ko ang kamay nya at hindi ko sya pinansin. Lumabas ako sa kwarto ko at hinanap sina mommy.
Bakit pinapasok nina mommy at daddy ang isang to sa kwarto ko at bakit nila pinapasok to sa bahay in the first place!
Nakita ko sina mommy at daddy na prenteng kumakain ng breakfast.
"Mom! Dad! Bakit nyo pinapasok sa bahay to?! At talagang pinayagan nyo pa syang pumasok sa kwarto ko?" tanong ko sabay turo kay Rhanix na lumapit kina mommy at daddy tapos sumabay sa pagkain nila.
BINABASA MO ANG
Rhanix Jam:The Human Robot(WOO DO-HWAN)
Romance"My life is a mess, until you came" - Rhanix Jam Enrico